Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 71:19-24

MGA AWIT 71:19-24 ABTAG01

at ang iyong katuwiran, O Diyos, ay umabot sa mataas na kalangitan. Ikaw na gumawa ng dakilang mga bagay, O Diyos, sino ang gaya mo? Ikaw na nagpakita sa akin ng maraming matitinding kabagabagan, ang sa akin ay muling bubuhay; mula sa mga kalaliman ng lupa, ay muli mo akong ibabangon. Kadakilaan ko nama'y iyong paramihin, at muli akong aliwin. Pupurihin din kita sa pamamagitan ng salterio, dahil sa iyong katapatan, O Diyos ko; sa iyo'y aawit ako ng mga papuri sa pamamagitan ng alpa, O Banal ng Israel. Sisigaw sa kagalakan ang mga labi ko, kapag ako'y umaawit ng mga papuri sa iyo; gayundin ang kaluluwa ko na iniligtas mo. At ang dila ko ay magsasalita ng iyong katuwiran sa buong maghapon, sapagkat sila'y napahiya at napahamak, sila na nagnanais na ako'y saktan.