O Dios, ang inyong katuwiran ay hindi kayang maunawaan ng lubusan. Kahanga-hanga ang inyong mga gawa. Tunay ngang walang sinuman ang tulad ninyo. Bagamaʼt pinaranas nʼyo ako ng maraming hirap, bibigyan nʼyo akong muli ng bagong buhay. Katulad koʼy patay na muli nʼyong bubuhayin. Bibigyan nʼyo ako ng mas higit na karangalan, at muli akong aaliwin. O Dios ko, dahil sa inyong katapatan pupurihin ko kayo sa pamamagitan ng pagtugtog ng alpa. O Banal na Dios ng Israel, aawit ako ng mga papuri sa inyo sa pamamagitan ng pagtugtog ng lira. Dahil akoʼy iniligtas nʼyo, sisigaw ako sa tuwa habang tumutugtog at umaawit ng papuri sa inyo. Lagi kong ipapahayag na kayo ay matuwid dahil nabigo at nalagay sa kahihiyan ang mga nagnais na mapahamak ako.
Basahin Salmo 71
Makinig sa Salmo 71
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Salmo 71:19-24
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas