Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 71

71
1Sa iyo, O Panginoon, nanganganlong ako;
huwag nawa akong mapahiya kailanman!
2Iligtas at sagipin mo ako sa katuwiran mo,
ikiling mo ang iyong pandinig sa akin, at iligtas mo ako!
3Ikaw sa akin ay maging bato ng tahanan
na lagi kong paroroonan;
sapagkat ikaw ay aking muog at malaking bato.
4Sa kamay ng masama, O aking Diyos, sagipin mo ako,
mula sa sunggab ng di-matuwid at malupit na tao.
5Sapagkat ikaw ang aking pag-asa, O Panginoong Diyos,
ikaw ay aking tiwala mula sa aking kabataan.
6Sa iyo ako sumandal mula sa kapanganakan ko,
ikaw ang kumuha sa akin mula sa tiyan ng aking ina.
Ang pagpupuri ko'y magiging laging sa iyo.
7Sa marami ako'y naging kagila-gilalas;
ngunit ikaw ang matibay kong kanlungan.
8Ang bibig ko'y punô ng pagpupuri sa iyo,
at ng iyong kaluwalhatian buong araw.
9Huwag mo akong itakuwil sa panahon ng katandaan;
huwag mo akong pabayaan kapag nauubos na ang aking kalakasan.
10Sapagkat nagsasalita laban sa akin ang aking mga kaaway,
silang nagbabantay sa aking buhay ay nagsasanggunian,
11at nagsasabi, “Pinabayaan na siya ng Diyos:
habulin at hulihin siya;
sapagkat walang magliligtas sa kanya.”
12O Diyos, huwag kang maging malayo sa akin;
O Diyos ko, magmadali kang tulungan ako!
13Ang mga kaaway ng aking kaluluwa nawa'y mapahiya at malipol;
matabunan nawa ng paghamak at kahihiyan
ang mga nagnanais na ako'y masaktan.
14Ngunit ako'y laging aasa,
at pupurihin kita nang higit at higit pa.
15Ang bibig ko'y magsasabi ng iyong katuwiran,
ng iyong mga kaligtasan buong araw;
sapagkat ang kanilang bilang ay di abot ng aking kaalaman.
16Ako'y darating na may mga makapangyarihang gawa ng Panginoong Diyos,
aking pupurihin ang iyong katuwiran, ang iyo lamang.
17O Diyos, iyong tinuruan ako mula sa aking pagkabata;
at ipinahahayag ko pa ang iyong kagila-gilalas na mga gawa.
18Kaya't maging sa pagtanda at pagkakaroon ng mga uban,
O Diyos, huwag mo akong pabayaan;
hanggang sa aking maipahayag ang iyong kalakasan
sa lahat ng darating na salinlahi.
Ang iyong kapangyarihan sa bawat isa na darating,
19at ang iyong katuwiran, O Diyos,
ay umabot sa mataas na kalangitan.
Ikaw na gumawa ng dakilang mga bagay,
O Diyos, sino ang gaya mo?
20Ikaw na nagpakita sa akin ng maraming matitinding kabagabagan,
ang sa akin ay muling bubuhay;
mula sa mga kalaliman ng lupa,
ay muli mo akong ibabangon.
21Kadakilaan ko nama'y iyong paramihin,
at muli akong aliwin.
22Pupurihin din kita sa pamamagitan ng salterio,
dahil sa iyong katapatan, O Diyos ko;
sa iyo'y aawit ako ng mga papuri sa pamamagitan ng alpa,
O Banal ng Israel.
23Sisigaw sa kagalakan ang mga labi ko,
kapag ako'y umaawit ng mga papuri sa iyo;
gayundin ang kaluluwa ko na iniligtas mo.
24At ang dila ko ay magsasalita ng iyong katuwiran sa buong maghapon,
sapagkat sila'y napahiya at napahamak,
sila na nagnanais na ako'y saktan.

Kasalukuyang Napili:

MGA AWIT 71: ABTAG01

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in