Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 69:13-15

MGA AWIT 69:13-15 ABTAG01

Ngunit para sa akin, ang dalangin ko'y sa iyo, O PANGINOON, sa isang kaaya-ayang panahon, O Diyos, sa kasaganaan ng iyong tapat na pag-ibig, sagutin mo ako. Sa pamamagitan ng iyong tapat na tulong, sagipin mo ako sa paglubog sa putikan, at huwag mo akong hayaang lumubog; iligtas mo ako sa aking mga kaaway mula sa tubig na may kalaliman. Ang baha nawa'y huwag akong tangayin, ni ng kalaliman ako man ay lamunin, ni isara ng Hukay ang kanyang bunganga sa akin.