Mga Awit 69:13-15
Mga Awit 69:13-15 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Nguni't tungkol sa akin, ang dalangin ko'y sa iyo, Oh Panginoon, sa isang kalugodlugod na panahon: Oh Dios, sa karamihan ng iyong kagandahang-loob, Iligtas mo ako sa burak, at huwag mo akong ilubog: Maligtas ako sa kanila na nangagtatanim sa akin, at sa malalim na tubig. Huwag akong tangayin ng baha, Ni lamunin man ako ng kalaliman: At huwag takpan ng hukay ang kaniyang bunganga sa akin.
Mga Awit 69:13-15 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ngunit sa ganang akin, ako'y dadalangin, sa iyo, O Yahweh, sana'y iyong dinggin sa mga panahon na iyong ibigin. Dahil sa dakilang pag-ibig sa akin, ang iyong pangakong pagtubos ay gawin. Iligtas mo ako, ako ay sagipin, sa putik na ito't tubig na malalim; sa mga kaaway, ako'y iligtas din. Huwag mong tulutang ako ay maanod, o dalhin sa malalim at baka malunod; hahantong sa libing, ako pagkatapos.
Mga Awit 69:13-15 Ang Salita ng Dios (ASND)
Ngunit dumadalangin ako sa inyo, PANGINOON. Sa inyong tinakdang panahon, sagutin nʼyo ang dalangin ko ayon sa tindi ng inyong pagmamahal sa akin. Dahil sa tapat kayo sa inyong pagliligtas, tulungan nʼyo akong huwag lumubog sa putikan. Iligtas nʼyo ako sa aking mga kaaway na parang inililigtas nʼyo ako mula sa malalim na tubig. Huwag nʼyong hayaang tabunan ako ng mga alon at mamatay.
Mga Awit 69:13-15 Ang Biblia (TLAB)
Nguni't tungkol sa akin, ang dalangin ko'y sa iyo, Oh Panginoon, sa isang kalugodlugod na panahon: Oh Dios, sa karamihan ng iyong kagandahang-loob, Iligtas mo ako sa burak, at huwag mo akong ilubog: maligtas ako sa kanila na nangagtatanim sa akin, at sa malalim na tubig. Huwag akong tangayin ng baha, ni lamunin man ako ng kalaliman: at huwag takpan ng hukay ang kaniyang bunganga sa akin.
Mga Awit 69:13-15 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)