Linisin mo ako ng isopo, at ako'y magiging malinis; hugasan mo ako at ako'y magiging higit na maputi kaysa niyebe. Gawin mong marinig ko ang kagalakan at kasayahan; hayaan mong ang mga buto na iyong binali ay magalak. Ikubli mo ang iyong mukha sa aking mga kasalanan, at pawiin mo ang lahat kong mga kasamaan. Lumalang ka sa akin ng isang malinis na puso, O Diyos; at muli mong baguhin ang matuwid na espiritu sa loob ko. Sa iyong harapan ay huwag mo akong paalisin, at ang iyong banal na Espiritu sa akin ay huwag mong bawiin. Ibalik mo sa akin ang kagalakan ng iyong pagliligtas, at alalayan ako na may espiritung nagnanais.
Basahin MGA AWIT 51
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: MGA AWIT 51:7-12
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas