Linisin at hugasan nʼyo ako sa aking mga kasalanan upang lubusang luminis ang pusoʼt kaluluwa ko. Ipadama nʼyo sa akin ang kasiyahan at kaligayahan upang sa aba kong kalagayan, muling mapasaakin ang kagalakan. Kalimutan nʼyo ang aking mga kasalanan, at pawiin ang lahat kong kasamaan. Ilikha nʼyo ako ng busilak na puso, O Dios, at bigyan ako ng bagong espiritu na matapat. Huwag po akong itaboy palayo sa inyong piling, at ang inyong Banal na Espiritu sa akin ay huwag nʼyo po sanang bawiin. Sanaʼy ibalik sa akin ang kagalakang naramdaman ko noong iniligtas nʼyo ako, at bigyan nawa ako ng masunuring espiritu.
Basahin Salmo 51
Makinig sa Salmo 51
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Salmo 51:7-12
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas