Mga Awit 51:7-12
Mga Awit 51:7-12 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ako ay linisin, sala ko'y hugasan at ako'y puputi nang lubus-lubusan. Sa galak at tuwa ako ay puspusin; butong nanghihina'y muling palakasin. Ang kasalanan ko'y iyo nang limutin, lahat kong nagawang masama'y pawiin. Isang pusong tapat sa aki'y likhain, bigyan mo, O Diyos, ng bagong damdamin. Sa iyong harapa'y huwag akong alisin; iyong banal na Espiritu'y paghariin. Ang galak na dulot ng iyong pagliligtas, ibalik at ako po'y gawin mong tapat.
Mga Awit 51:7-12 Ang Salita ng Dios (ASND)
Linisin at hugasan nʼyo ako sa aking mga kasalanan upang lubusang luminis ang pusoʼt kaluluwa ko. Ipadama nʼyo sa akin ang kasiyahan at kaligayahan upang sa aba kong kalagayan, muling mapasaakin ang kagalakan. Kalimutan nʼyo ang aking mga kasalanan, at pawiin ang lahat kong kasamaan. Ilikha nʼyo ako ng busilak na puso, O Dios, at bigyan ako ng bagong espiritu na matapat. Huwag po akong itaboy palayo sa inyong piling, at ang inyong Banal na Espiritu sa akin ay huwag nʼyo po sanang bawiin. Sanaʼy ibalik sa akin ang kagalakang naramdaman ko noong iniligtas nʼyo ako, at bigyan nawa ako ng masunuring espiritu.
Mga Awit 51:7-12 Ang Biblia (TLAB)
Linisin mo ako ng hisopo, at ako'y magiging malinis: hugasan mo ako at ako'y magiging lalong maputi kay sa nieve. Pagparinggan mo ako ng kagalakan at kasayahan; upang ang mga buto na iyong binali ay mangagalak. Ikubli mo ang iyong mukha sa aking mga kasalanan, at pawiin mo ang aking lahat na mga kasamaan. Likhaan mo ako ng isang malinis na puso, Oh Dios; at magbago ka ng isang matuwid na espiritu sa loob ko. Huwag mo akong paalisin sa iyong harapan; at huwag mong bawiin ang iyong santong Espiritu sa akin. Ibalik mo sa akin ang kagalakan ng iyong pagliligtas: at alalayan ako ng kusang espiritu.
Mga Awit 51:7-12 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ako ay linisin, sala ko'y hugasan at ako'y puputi nang lubus-lubusan. Sa galak at tuwa ako ay puspusin; butong nanghihina'y muling palakasin. Ang kasalanan ko'y iyo nang limutin, lahat kong nagawang masama'y pawiin. Isang pusong tapat sa aki'y likhain, bigyan mo, O Diyos, ng bagong damdamin. Sa iyong harapa'y huwag akong alisin; iyong banal na Espiritu'y paghariin. Ang galak na dulot ng iyong pagliligtas, ibalik at ako po'y gawin mong tapat.
Mga Awit 51:7-12 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Linisin mo ako ng hisopo, at ako'y magiging malinis: Hugasan mo ako at ako'y magiging lalong maputi kay sa nieve. Pagparinggan mo ako ng kagalakan at kasayahan; Upang ang mga buto na iyong binali ay mangagalak. Ikubli mo ang iyong mukha sa aking mga kasalanan, At pawiin mo ang aking lahat na mga kasamaan. Likhaan mo ako ng isang malinis na puso, Oh Dios; At magbago ka ng isang matuwid na espiritu sa loob ko. Huwag mo akong paalisin sa iyong harapan; At huwag mong bawiin ang iyong santong Espiritu sa akin. Ibalik mo sa akin ang kagalakan ng iyong pagliligtas: At alalayan ako ng kusang espiritu.