Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 40:1-5

MGA AWIT 40:1-5 ABTAG01

Matiyaga akong naghintay sa PANGINOON; kumiling siya sa akin at pinakinggan ang aking daing. Iniahon niya ako sa hukay ng pagkawasak, mula sa putikang lusak, at itinuntong niya ang mga paa ko sa isang malaking bato, at pinatatag ang aking mga hakbang. Nilagyan niya ng bagong awit ang aking bibig, isang awit ng pagpupuri sa ating Diyos. Marami ang makakakita at matatakot, at magtitiwala sa PANGINOON. Mapalad ang tao na kaniyang ginawang tiwala ang PANGINOON, na hindi bumabaling sa mga mapagmataas, pati sa mga naligaw sa kamalian. Pinarami mo, O PANGINOON kong Diyos, ang iyong mga kagila-gilalas na gawa at ang iyong mga pag-aalala sa amin; walang maaaring sa iyo'y ihambing! Kung aking ipahahayag ang mga iyon at isasaysay, ang mga iyon ay higit kaysa mabibilang.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa MGA AWIT 40:1-5

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya