Akoʼy matiyagang naghintay sa PANGINOON, at dininig niya ang aking mga daing. Para akong nasa malalim at lubhang maputik na balon, ako ay kanyang iniahon at itinatayo sa malaking bato, upang hindi mapahamak. Tinuruan niya ako ng bagong awit, ang awit ng pagpupuri sa ating Dios. Marami ang makakasaksi at matatakot sa Dios, at silaʼy magtitiwala sa kanya. Mapalad ang taong sa PANGINOON nagtitiwala, at hindi lumalapit sa mga mapagmataas, o sumasamba sa mga dios-diosan. PANGINOON kong Dios, wala kayong katulad. Napakarami ng kahanga-hangang bagay na inyong ginawa para sa amin, at ang inyong mga plano para sa amin ay marami rin. Sa dami ng mga itoʼy hindi ko na kayang banggitin.
Basahin Salmo 40
Makinig sa Salmo 40
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng Bersyon: Salmo 40:1-5
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas