Mga Awit 40:1-5
Mga Awit 40:1-5 Ang Salita ng Dios (ASND)
Akoʼy matiyagang naghintay sa PANGINOON, at dininig niya ang aking mga daing. Para akong nasa malalim at lubhang maputik na balon, ako ay kanyang iniahon at itinatayo sa malaking bato, upang hindi mapahamak. Tinuruan niya ako ng bagong awit, ang awit ng pagpupuri sa ating Dios. Marami ang makakasaksi at matatakot sa Dios, at silaʼy magtitiwala sa kanya. Mapalad ang taong sa PANGINOON nagtitiwala, at hindi lumalapit sa mga mapagmataas, o sumasamba sa mga dios-diosan. PANGINOON kong Dios, wala kayong katulad. Napakarami ng kahanga-hangang bagay na inyong ginawa para sa amin, at ang inyong mga plano para sa amin ay marami rin. Sa dami ng mga itoʼy hindi ko na kayang banggitin.
Mga Awit 40:1-5 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Aking hinintay na may pagtitiis ang Panginoon; At siya'y kumiling sa akin, at dininig ang aking daing. Isinampa naman niya ako mula sa isang kakilakilabot na balon, mula sa balahong malagkit; At itinuntong niya ang aking mga paa sa isang malaking bato, at itinatag ang aking mga paglakad. At siya'y naglagay ng bagong awit sa aking bibig, sa makatuwid baga'y pagpuri sa aming Dios: Marami ang mangakakakita at mangatatakot, At magsisitiwala sa Panginoon. Mapalad ang tao na ginagawang kaniyang tiwala ang Panginoon, At hindi iginagalang ang palalo, ni ang mga naliligaw man sa pagsunod sa mga kabulaanan. Marami, Oh Panginoon kong Dios, ang mga kagilagilalas na mga gawa na iyong ginawa, At ang iyong mga pagiisip sa amin: Hindi malalagay na maayos sa harap mo; Kung ako'y magpapahayag at sasalitain ko sila, Sila'y higit kay sa mabibilang.
Mga Awit 40:1-5 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sa Diyos na si Yahweh, mat'yagang naghintay, ang aking panaghoy, kanyang pinakinggan; sa balong malalim na lubhang maputik, iniahon niya at doo'y inalis. Ligtas na dinala sa malaking bato, at naging panatag, taglay na buhay ko. Isang bagong awit, sa aki'y itinuro, papuri sa Diyos, ang awit ng puso; matatakot ang bawat makakasaksi, at magtitiwala sa Diyos na si Yahweh. Mapalad ang taong, kay Yahweh'y tiwala, at sa diyus-diyosa'y hindi dumadapa; hindi sumasama sa nananambahan, sa mga nagkalat na diyus-diyosan. Yahweh aking Diyos, wala kang katulad sa maraming bagay na iyong ginanap; kung pangahasan kong sabihin ang lahat, nangangamba akong may makalimutan.
Mga Awit 40:1-5 Ang Biblia (TLAB)
Aking hinintay na may pagtitiis ang Panginoon; at siya'y kumiling sa akin, at dininig ang aking daing. Isinampa naman niya ako mula sa isang kakilakilabot na balon, mula sa balahong malagkit; at itinuntong niya ang aking mga paa sa isang malaking bato, at itinatag ang aking mga paglakad. At siya'y naglagay ng bagong awit sa aking bibig, sa makatuwid baga'y pagpuri sa aming Dios: marami ang mangakakakita at mangatatakot, at magsisitiwala sa Panginoon. Mapalad ang tao na ginagawang kaniyang tiwala ang Panginoon, at hindi iginagalang ang palalo, ni ang mga naliligaw man sa pagsunod sa mga kabulaanan. Marami, Oh Panginoon kong Dios, ang mga kagilagilalas na mga gawa na iyong ginawa, at ang iyong mga pagiisip sa amin: hindi malalagay na maayos sa harap mo; kung ako'y magpapahayag at sasalitain ko sila, sila'y higit kay sa mabibilang.
Mga Awit 40:1-5 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)