Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 25:1-15

MGA AWIT 25:1-15 ABTAG01

Sa iyo, PANGINOON, itinataas ko ang aking kaluluwa. O Diyos ko, sa iyo ako nagtitiwala, huwag nawa akong mapahiya; ang aking mga kaaway, sa akin ay huwag nawang magkatuwa. Oo, huwag nawang mapahiya ang lahat ng sa iyo'y naghihintay, mapahiya nawa ang mga gumagawa ng kataksilan nang walang dahilan. Ipaalam mo sa akin ang iyong mga daan, O PANGINOON; ituro mo sa akin ang iyong mga landas. Akayin mo ako sa iyong katotohanan, ako'y iyong turuan, sapagkat ikaw ang Diyos ng aking kaligtasan; sa iyo'y naghihintay ako nang buong araw. Alalahanin mo, O PANGINOON, ang iyong kahabagan, at ang iyong tapat na pag-ibig, sapagkat ang mga iyon ay mula pa nang unang kapanahunan. Huwag mong alalahanin ang mga kasalanan ng aking kabataan, ni ang aking mga pagsuway; ayon sa iyong wagas na pag-ibig ay alalahanin mo ako, O PANGINOON, alang-alang sa iyong kabutihan! Ang PANGINOON ay mabuti at makatarungan, kaya't tinuturuan niya ang mga makasalanan tungkol sa daan. Pinapatnubayan niya ang mapagpakumbaba tungkol sa katuwiran, at itinuturo sa mapagpakumbaba ang kanyang daan. Lahat ng landas ng PANGINOON ay wagas na pag-ibig at katapatan, para sa mga nag-iingat ng kanyang mga patotoo at kanyang tipan. Alang-alang sa iyong pangalan, O PANGINOON, ipagpatawad mo ang aking kasalanan, sapagkat ito ay malaking tunay. Sino ang taong natatakot sa PANGINOON? Siya ang tuturuan niya sa daan na dapat niyang piliin. Siya mismo ay mananahan sa kasaganaan, at aangkinin ng kanyang mga anak ang lupain. Ang pakikipagkaibigan ng PANGINOON ay para sa mga natatakot sa kanya, at ang kanyang tipan ay ipinaaalam niya sa kanila. Palaging nasa PANGINOON ang aking mga mata, sapagkat mula sa lambat ay hihilahin niya ang aking mga paa.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa MGA AWIT 25:1-15

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya