Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Salmo 25:1-15

Salmo 25:1-15 ASND

PANGINOON kong Dios, sa inyo ako nananalangin at nagtitiwala. Huwag nʼyo pong hayaan na mapahiya ako at pagtawanan ng aking mga kaaway dahil sa aking pagkatalo. Ang sinumang nagtitiwala sa inyo ay hindi malalagay sa kahihiyan, ngunit mapapahiya ang mga traydor. Ituro nʼyo sa akin, PANGINOON, ang tamang pamamaraan, ang tuwid na daan na dapat kong lakaran. Turuan nʼyo akong mamuhay ayon sa katotohanan, dahil kayo ang Dios na aking tagapagligtas. Kayo ang lagi kong inaasahan. PANGINOON, alalahanin nʼyo ang kagandahang-loob at pag-ibig, na inyong ipinakita mula pa noong una. PANGINOON, ayon sa inyong kabutihan at pag-ibig, alalahanin nʼyo ako, pero huwag ang mga kasalanan at pagsuway ko mula pa noong aking pagkabata. Mabuti at matuwid po kayo, PANGINOON, kaya tinuturuan nʼyo ng inyong pamamaraan ang mga makasalanan. Pinapatnubayan nʼyo ang mga mapagpakumbaba para gumawa ng tama. Silaʼy tinuturuan nʼyo ng inyong pamamaraan. Lahat ng ginagawa nʼyo ay nagpapakita ng inyong pag-ibig at katapatan sa mga sumusunod sa inyong mga kautusan. PANGINOON, alang-alang sa inyong kabutihan, patawarin nʼyo ako sa napakarami kong kasalanan. Ang sinumang may takot sa inyo, PANGINOON, ay turuan nʼyo po ng daan na dapat nilang lakaran. Mabubuhay sila ng masagana, at ang kanilang lahi ay patuloy na maninirahan sa lupain na ipinangako ng Dios. PANGINOON, kayoʼy malapit sa mga taong may takot sa inyo, at pinapaalala nʼyo sa kanila ang inyong kasunduan. Palagi akong umaasa sa inyo, PANGINOON, dahil kayo ang palaging nagliligtas sa akin sa kapahamakan.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Salmo 25:1-15

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya