Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Awit 25:1-15

Mga Awit 25:1-15 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)

Sa iyo, Oh Panginoon, iginagawad ko ang aking kaluluwa. Oh Dios ko sa iyo'y tumiwala ako, Huwag nawa akong mapahiya; Huwag nawang magtagumpay sa akin ang aking mga kaaway. Oo, walang naghihintay sa iyo na mapapahiya; Sila'y mangapapahiya na nagsisigawa ng karayaan ng walang kadahilanan, Ituro mo sa akin ang iyong mga daan, Oh Panginoon; Ituro mo sa akin ang iyong mga landas. Patnubayan mo ako sa iyong katotohanan, at ituro mo sa akin; Sapagka't ikaw ay Dios ng aking kaligtasan; Sa iyo'y naghihintay ako buong araw. Iyong alalahanin, Oh Panginoon, ang iyong malumanay na mga kaawaan, at ang iyong mga kagandahang-loob; Sapagka't magpakailan man mula ng una. Huwag mong alalahanin ang mga kasalanan ng aking kabataan, ni ang aking mga pagsalangsang: Ayon sa iyong kagandahangloob ay alalahanin mo ako, Dahil sa iyong kabutihan, Oh Panginoon. Mabuti at matuwid ang Panginoon: Kaya't tuturuan niya ang mga makasalanan sa daan. Ang maamo ay papatnubayan niya sa kahatulan: At ituturo niya sa maamo ang daan niya. Lahat na landas ng Panginoon ay kagandahang-loob at katotohanan Sa mga gayon na nangagiingat ng kaniyang tipan at kaniyang mga patotoo. Dahil sa iyong pangalan, Oh Panginoon, Iyong ipatawad ang aking kasamaan, sapagka't malaki. Anong tao siya na natatakot sa Panginoon? Siya ang tuturuan niya ng daan na kaniyang pipiliin. Ang kaniyang kaluluwa ay tatahan sa kaginhawahan; At mamanahin ng kaniyang binhi ang lupain. Ang pakikipagibigan ng Panginoon ay nasa nangatatakot sa kaniya; At ipakikilala niya sa kanila ang kaniyang tipan. Ang aking mga mata ay palaging na sa Panginoon; Sapagka't huhugutin niya ang aking mga paa sa silo.

Mga Awit 25:1-15 Ang Salita ng Dios (ASND)

PANGINOON kong Dios, sa inyo ako nananalangin at nagtitiwala. Huwag nʼyo pong hayaan na mapahiya ako at pagtawanan ng aking mga kaaway dahil sa aking pagkatalo. Ang sinumang nagtitiwala sa inyo ay hindi malalagay sa kahihiyan, ngunit mapapahiya ang mga traydor. Ituro nʼyo sa akin, PANGINOON, ang tamang pamamaraan, ang tuwid na daan na dapat kong lakaran. Turuan nʼyo akong mamuhay ayon sa katotohanan, dahil kayo ang Dios na aking tagapagligtas. Kayo ang lagi kong inaasahan. PANGINOON, alalahanin nʼyo ang kagandahang-loob at pag-ibig, na inyong ipinakita mula pa noong una. PANGINOON, ayon sa inyong kabutihan at pag-ibig, alalahanin nʼyo ako, pero huwag ang mga kasalanan at pagsuway ko mula pa noong aking pagkabata. Mabuti at matuwid po kayo, PANGINOON, kaya tinuturuan nʼyo ng inyong pamamaraan ang mga makasalanan. Pinapatnubayan nʼyo ang mga mapagpakumbaba para gumawa ng tama. Silaʼy tinuturuan nʼyo ng inyong pamamaraan. Lahat ng ginagawa nʼyo ay nagpapakita ng inyong pag-ibig at katapatan sa mga sumusunod sa inyong mga kautusan. PANGINOON, alang-alang sa inyong kabutihan, patawarin nʼyo ako sa napakarami kong kasalanan. Ang sinumang may takot sa inyo, PANGINOON, ay turuan nʼyo po ng daan na dapat nilang lakaran. Mabubuhay sila ng masagana, at ang kanilang lahi ay patuloy na maninirahan sa lupain na ipinangako ng Dios. PANGINOON, kayoʼy malapit sa mga taong may takot sa inyo, at pinapaalala nʼyo sa kanila ang inyong kasunduan. Palagi akong umaasa sa inyo, PANGINOON, dahil kayo ang palaging nagliligtas sa akin sa kapahamakan.

Mga Awit 25:1-15 Ang Biblia (TLAB)

Sa iyo, Oh Panginoon, iginagawad ko ang aking kaluluwa. Oh Dios ko sa iyo'y tumiwala ako, huwag nawa akong mapahiya; huwag nawang magtagumpay sa akin ang aking mga kaaway. Oo, walang naghihintay sa iyo na mapapahiya; sila'y mangapapahiya na nagsisigawa ng karayaan ng walang kadahilanan, Ituro mo sa akin ang iyong mga daan, Oh Panginoon; ituro mo sa akin ang iyong mga landas. Patnubayan mo ako sa iyong katotohanan, at ituro mo sa akin; sapagka't ikaw ay Dios ng aking kaligtasan; sa iyo'y naghihintay ako buong araw. Iyong alalahanin, Oh Panginoon, ang iyong malumanay na mga kaawaan, at ang iyong mga kagandahang-loob; sapagka't magpakailan man mula ng una. Huwag mong alalahanin ang mga kasalanan ng aking kabataan, ni ang aking mga pagsalangsang: ayon sa iyong kagandahang-loob ay alalahanin mo ako, dahil sa iyong kabutihan, Oh Panginoon. Mabuti at matuwid ang Panginoon: kaya't tuturuan niya ang mga makasalanan sa daan. Ang maamo ay papatnubayan niya sa kahatulan: at ituturo niya sa maamo ang daan niya. Lahat na landas ng Panginoon ay kagandahang-loob at katotohanan sa mga gayon na nangagiingat ng kaniyang tipan at kaniyang mga patotoo. Dahil sa iyong pangalan, Oh Panginoon, iyong ipatawad ang aking kasamaan, sapagka't malaki. Anong tao siya na natatakot sa Panginoon? Siya ang tuturuan niya ng daan na kaniyang pipiliin. Ang kaniyang kaluluwa ay tatahan sa kaginhawahan; at mamanahin ng kaniyang binhi ang lupain. Ang pakikipagibigan ng Panginoon ay nasa nangatatakot sa kaniya; at ipakikilala niya sa kanila ang kaniyang tipan. Ang aking mga mata ay palaging na sa Panginoon; sapagka't huhugutin niya ang aking mga paa sa silo.

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya