Buháy ang PANGINOON; at purihin ang aking malaking bato; at dakilain ang Diyos na kaligtasan ko. Ang Diyos na nagbigay sa akin ng paghihiganti at nagpapasuko ng mga tao sa ilalim ko, inililigtas niya ako sa mga kaaway ko. Oo, sa mga naghihimagsik laban sa akin ay itinaas mo ako, inililigtas mo ako sa mararahas na tao. Dahil dito'y magpapasalamat ako sa iyo, O PANGINOON, sa gitna ng mga bansa, at aawit ako ng mga pagpupuri sa pangalan mo.
Basahin MGA AWIT 18
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: MGA AWIT 18:46-49
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas