Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 18:46-49

MGA AWIT 18:46-49 ABTAG01

Buháy ang PANGINOON; at purihin ang aking malaking bato; at dakilain ang Diyos na kaligtasan ko. Ang Diyos na nagbigay sa akin ng paghihiganti at nagpapasuko ng mga tao sa ilalim ko, inililigtas niya ako sa mga kaaway ko. Oo, sa mga naghihimagsik laban sa akin ay itinaas mo ako, inililigtas mo ako sa mararahas na tao. Dahil dito'y magpapasalamat ako sa iyo, O PANGINOON, sa gitna ng mga bansa, at aawit ako ng mga pagpupuri sa pangalan mo.