Mga Awit 18:46-49
Mga Awit 18:46-49 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Buháy si Yahweh, Diyos ko't Tagapagligtas, matibay kong muog, purihin ng lahat! Ang kanyang kadakilaa'y ating ipahayag! Pinagtatagumpay niya ako sa mga kaaway, mga bansa'y ipinapailalim niya sa aking paanan; at inililigtas niya ako sa aking mga kalaban. Laban sa mararahas, ako'y pinagtatagumpay, sa aking kaaway, ika'y aking kalasag at patnubay. Sa lahat ng bansa ika'y aking pupurihin, ang karangalan mo'y aking aawitin, ang iyong pangalan, aking sasambahin.
Mga Awit 18:46-49 Ang Salita ng Dios (ASND)
Buhay kayo, PANGINOON! Karapat-dapat kayong purihin at dakilain, O Dios na aking batong kanlungan at Tagapagligtas! Pinaghigantihan nʼyo ang aking mga kaaway, at ipinasailalim mo ang mga bansa sa aking kapangyarihan. Inililigtas nʼyo ako sa mararahas kong kalaban, at pinagtagumpay nʼyo ako sa kanila. Kaya pararangalan ko kayo sa mga bansa. O PANGINOON, aawitan ko kayo ng mga papuri.
Mga Awit 18:46-49 Ang Biblia (TLAB)
Mabuhay nawa ang Panginoon at maging mapalad nawa ang aking malaking bato; at dakilain ang Dios ng aking kaligtasan: Sa makatuwid baga'y ang Dios na ipinanghihiganti ako, at nagpapasuko ng mga bayan sa akin. Kaniyang inililigtas ako sa aking mga kaaway: Oo, itinataas mo ako sa nagsisibangon laban sa akin: iyong inililigtas ako sa mangdadahas na tao. Kaya't ako'y magpapasalamat sa iyo, Oh Panginoon, sa gitna ng mga bansa, at aawit ako ng mga pagpupuri sa iyong pangalan.
Mga Awit 18:46-49 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Buháy si Yahweh, Diyos ko't Tagapagligtas, matibay kong muog, purihin ng lahat! Ang kanyang kadakilaa'y ating ipahayag! Pinagtatagumpay niya ako sa mga kaaway, mga bansa'y ipinapailalim niya sa aking paanan; at inililigtas niya ako sa aking mga kalaban. Laban sa mararahas, ako'y pinagtatagumpay, sa aking kaaway, ika'y aking kalasag at patnubay. Sa lahat ng bansa ika'y aking pupurihin, ang karangalan mo'y aking aawitin, ang iyong pangalan, aking sasambahin.
Mga Awit 18:46-49 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Mabuhay nawa ang Panginoon at maging mapalad nawa ang aking malaking bato; At dakilain ang Dios ng aking kaligtasan: Sa makatuwid baga'y ang Dios na ipinanghihiganti ako, At nagpapasuko ng mga bayan sa akin. Kaniyang inililigtas ako sa aking mga kaaway: Oo, itinataas mo ako sa nagsisibangon laban sa akin: Iyong inililigtas ako sa mangdadahas na tao. Kaya't ako'y magpapasalamat sa iyo, Oh Panginoon, sa gitna ng mga bansa, At aawit ako ng mga pagpupuri sa iyong pangalan.