Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 18:31-40

MGA AWIT 18:31-40 ABTAG01

Sapagkat sino ang Diyos, kundi ang PANGINOON? At sino ang malaking bato, maliban sa ating Diyos? Ang Diyos na nagbibigkis sa akin ng kalakasan, at ginagawang ligtas ang aking daan. Kanyang ginagawa ang aking mga paa na gaya ng sa mga usa, at sa mataas na dako ako'y matatag na inilalagay niya. Sinasanay niya ang aking mga kamay para sa pakikidigma, anupa't kayang baluktutin ng aking mga kamay ang panang tanso. Ang kalasag ng iyong pagliligtas sa akin ay ibinigay mo, at ng iyong kanang kamay ay inalalayan ako, at pinadakila ako ng kahinahunan mo. Maluwag na lugar ay binibigyan mo ako, para sa aking mga hakbang sa ilalim ko, at hindi nadulas ang mga paa ko. Hinabol ko ang aking mga kaaway, at inabutan ko sila, at hindi bumalik hanggang sa malipol sila. Ganap ko silang sinaktan kaya't sila'y hindi makatayo; sila'y nalugmok sa ilalim ng aking mga paa. Sapagkat binigkisan ako ng lakas para sa pakikipaglaban; pinalubog mo sa ilalim ko ang sa akin ay sumalakay. Pinatatalikod mo sa akin ang mga kaaway ko, at yaong napopoot sa akin ay winasak ko.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa MGA AWIT 18:31-40