Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Awit 18:31-40

Mga Awit 18:31-40 RTPV05

Si Yahweh lamang ang Diyos na tunay; tanging Diyos lamang ang batong tanggulan. Ang Diyos na sa aki'y nagbibigay-lakas, sa daraanan ko'y siyang nag-iingat. Tulad ng usa, tiyak ang aking mga hakbang, inaalalayan niya ako sa mga kabundukan. Sinasanay niya ako sa pakikipagdigma, upang mabanat ko ang pinakamatigas na pana. Iniingatan mo ako at inililigtas; sa iyong pagkalinga, ako ngayo'y tanyag, sa iyong pagtulong, ako'y naging matatag. Inalalayan mo sa bawat paghakbang, ang mga paa ko'y ni hindi nadulas. Mga kaaway ko'y aking hinahabol, di ako tumitigil hanggang di sila nalilipol. Di sila makabangon kapag ako'y sumalakay; sa paanan ko'y bagsak sila at talunan. Pinapalakas mo ako para sa labanan, at pinagtatagumpay sa aking mga kaaway. Mga kaaway ko'y pinapaatras mo, mga napopoot sa akin ay pinupuksa ko.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Mga Awit 18:31-40