Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 18:1-6

MGA AWIT 18:1-6 ABTAG01

Iniibig kita, O PANGINOON, aking kalakasan. Ang PANGINOON ay aking malaking bato, at aking muog, at tagapagligtas ko, aking Diyos, aking malaking bato na sa kanya'y nanganganlong ako; aking kalasag, at siyang sungay ng aking kaligtasan, matibay na kuta ko. Ako'y tumatawag sa PANGINOON na marapat purihin, at naligtas ako sa aking mga kaaway. Nakapulupot sa akin ang mga tali ng kamatayan inaalon ako ng mga baha ng kasamaan. Ang mga tali ng Sheol ay nasa buong palibot ko, hinarap ako ng mga bitag ng kamatayan. Sa aking kapanglawan ay tumawag ako sa PANGINOON, sa aking Diyos ay humingi ako ng tulong. Mula sa kanyang templo ay napakinggan niya ang aking tinig. At ang aking daing sa kanya ay nakarating sa kanyang pandinig.