Mga Awit 18:1-6
Mga Awit 18:1-6 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
O Yahweh, ika'y aking minamahal, ikaw ang aking kalakasan! Si Yahweh ang aking batong tanggulan, ang aking Tagapagligtas, Diyos at kanlungan, tagapag-ingat ko at aking sanggalang. Kay Yahweh ako'y tumatawag, sa aking mga kaaway ako'y inililigtas. Karapat-dapat purihin si Yahweh! Ginapos ako ng tali ng kamatayan; tinabunan ako ng alon ng kapahamakan. Nakapaligid sa akin ang panganib ng kamatayan, nakaumang sa akin ang bitag ng libingan. Kaya't si Yahweh ay aking tinawag; sa aking paghihirap, humingi ng habag. Mula sa kanyang Templo, tinig ko ay narinig, pinakinggan niya ang aking paghibik.
Mga Awit 18:1-6 Ang Salita ng Dios (ASND)
Iniibig ko kayo PANGINOON. Kayo ang aking kalakasan. PANGINOON, kayo ang aking matibay na batong kanlungan at pananggalang. Kayo ang aking Tagapagligtas na nag-iingat sa akin. Karapat-dapat kayong purihin, PANGINOON, dahil kapag tumatawag ako sa inyo, inililigtas nʼyo ako sa mga kalaban ko. Ang kamatayaʼy parang lubid na nakapulupot sa akin at parang bitag sa aking dadaanan, na para ring malakas na agos na tumatangay sa akin. Kinakabahan ako! Humingi ako ng tulong sa inyo, PANGINOON kong Dios, at pinakinggan nʼyo ang panalangin ko sa inyong templo.
Mga Awit 18:1-6 Ang Biblia (TLAB)
Iniibig kita, Oh Panginoon, na aking kalakasan. Ang Panginoon ay aking malaking bato, at aking kuta, at aking tagapagligtas; aking Dios, aking malaking bato na sa kaniya'y manganganlong ako; aking kalasag, at siyang sungay ng aking kaligtasan, aking matayog na moog. Ako'y tatawag sa Panginoon, na marapat na purihin: sa gayo'y maliligtas ako sa aking mga kaaway. Pinamuluputan ako ng mga tali ng kamatayan, at tinakot ako ng mga baha ng kasamaan. Ang mga tali ng Sheol ay nasa buong palibot ko: ang mga silo ng kamatayan ay dumating sa akin. Sa aking kapanglawan ay tumawag ako sa Panginoon, at dumaing ako sa aking Dios: dininig niya ang aking tinig mula sa kaniyang templo, at ang aking daing sa harap niya ay dumating sa loob ng kaniyang mga pakinig.
Mga Awit 18:1-6 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
O Yahweh, ika'y aking minamahal, ikaw ang aking kalakasan! Si Yahweh ang aking batong tanggulan, ang aking Tagapagligtas, Diyos at kanlungan, tagapag-ingat ko at aking sanggalang. Kay Yahweh ako'y tumatawag, sa aking mga kaaway ako'y inililigtas. Karapat-dapat purihin si Yahweh! Ginapos ako ng tali ng kamatayan; tinabunan ako ng alon ng kapahamakan. Nakapaligid sa akin ang panganib ng kamatayan, nakaumang sa akin ang bitag ng libingan. Kaya't si Yahweh ay aking tinawag; sa aking paghihirap, humingi ng habag. Mula sa kanyang Templo, tinig ko ay narinig, pinakinggan niya ang aking paghibik.
Mga Awit 18:1-6 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Iniibig kita, Oh Panginoon, na aking kalakasan. Ang Panginoon ay aking malaking bato, at aking kuta, at aking tagapagligtas; Aking Dios, aking malaking bato na sa kaniya'y manganganlong ako; Aking kalasag, at siyang sungay ng aking kaligtasan, aking matayog na moog. Ako'y tatawag sa Panginoon, na marapat na purihin: Sa gayo'y maliligtas ako sa aking mga kaaway. Pinamuluputan ako ng mga tali ng kamatayan, At tinakot ako ng mga baha ng kasamaan. Ang mga tali ng Sheol ay nasa buong palibot ko: Ang mga silo ng kamatayan ay dumating sa akin. Sa aking kapanglawan ay tumawag ako sa Panginoon, At dumaing ako sa aking Dios: Dininig niya ang aking tinig mula sa kaniyang templo, At ang aking daing sa harap niya ay dumating sa loob ng kaniyang mga pakinig.