Ituro mo sa akin, O PANGINOON, ang daan ng iyong mga batas, at ito'y aking iingatan hanggang sa wakas. Bigyan mo ako ng pang-unawa upang aking maingatan ang kautusan mo, at akin itong susundin ng buong puso ko. Akayin mo ako sa landas ng mga utos mo, sapagkat aking kinaluluguran ito. Ikiling mo ang aking puso sa iyong mga patotoo, at huwag sa pakinabang. Ilayo mo ang aking mga mata sa pagtingin sa walang kabuluhan; at bigyan mo ako ng buhay sa iyong mga daan. Pagtibayin mo ang iyong pangako sa lingkod mo, na para sa mga natatakot sa iyo. Ilayo mo ang kahihiyan na aking kinatatakutan; sapagkat ang mga batas mo'y mainam. Ako'y nasasabik sa iyong mga panuntunan, bigyan mo ako ng buhay sa iyong katuwiran.
Basahin MGA AWIT 119
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: MGA AWIT 119:33-40
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas