Mga Awit 119:33-40
Mga Awit 119:33-40 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ituro mo, O Yahweh, layunin ng kautusan, at iyon ang susundin ko habang ako'y nabubuhay. Ituro mo ang batas mo't sisikapin kong masunod, buong pusong iingatan at susundin ko nang lubos. Sa pagsunod sa utos mo, ako'y iyong pangunahan, pagkat dito nakakamtan ang ligayang inaasam. Itulot mong hangarin ko na sundin ang iyong utos, higit pa sa paghahangad na yumaman akong lubos. Ilayo mo ang pansin ko sa bagay na walang saysay; at ayon sa pangako mo'y pagpalain akong tunay. Tuparin mo ang pangakong ginawa sa iyong lingkod, ang pangako sa lahat ng sa iyo ay natatakot. Iligtas mo ang lingkod mo sa sinumang mapang-uyam, sa mabuting tuntunin mo, humahanga akong tunay! Ang lahat ng tuntunin mo, ang hangad ko'y aking sundin, pagkat ikaw ay matuwid, kaya ako'y pagpalain.
Mga Awit 119:33-40 Ang Salita ng Dios (ASND)
PANGINOON, ituro nʼyo sa akin ang inyong mga tuntunin, at habang nabubuhay itoʼy aking susundin. Bigyan nʼyo ako ng pang-unawa sa inyong kautusan, at itoʼy buong puso kong susundin at iingatan. Pangunahan nʼyo ako sa aking pagsunod sa inyong mga utos, dahil ito ang aking kasiyahan. Bigyan nʼyo ako ng pagnanais na sundin ang inyong mga turo at hindi ang pagnanais na yumaman. Ilayo nʼyo ako sa pagnanais ng mga bagay na walang kabuluhan. Panatilihin nʼyo ang aking buhay ayon sa inyong pangako. Tuparin nʼyo ang inyong ipinangako sa akin na inyong lingkod, na siyang mga ipinangako nʼyo sa mga may takot sa inyo. Alisin nʼyo ang mga kahihiyan na aking kinatatakutan, dahil mabuti ang inyong mga tuntunin. Gusto kong sundin ang inyong mga tuntunin. Dahil kayoʼy matuwid, panatilihin nʼyo akong buhay.
Mga Awit 119:33-40 Ang Biblia (TLAB)
Ituro mo sa akin, Oh Panginoon, ang daan ng iyong mga palatuntunan; at aking iingatan hanggang sa wakas. Bigyan mo ako ng pagkaunawa at aking iingatan ang iyong kautusan; Oo, aking susundin ng aking buong puso. Payaunin mo ako sa landas ng iyong mga utos; sapagka't siya kong kinaaliwan. Ikiling mo ang aking puso sa iyong mga patotoo, at huwag sa kasakiman. Alisin mo ang aking mga mata sa pagtingin ng walang kabuluhan. At buhayin mo ako sa iyong mga daan. Papagtibayin mo ang iyong salita sa iyong lingkod, na ukol sa takot sa iyo. Alisin mo ang aking kadustaan na aking kinatatakutan: sapagka't ang mga kahatulan mo'y mabuti. Narito, ako'y nanabik sa iyong mga tuntunin; buhayin mo ako sa iyong katuwiran.
Mga Awit 119:33-40 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ituro mo, O Yahweh, layunin ng kautusan, at iyon ang susundin ko habang ako'y nabubuhay. Ituro mo ang batas mo't sisikapin kong masunod, buong pusong iingatan at susundin ko nang lubos. Sa pagsunod sa utos mo, ako'y iyong pangunahan, pagkat dito nakakamtan ang ligayang inaasam. Itulot mong hangarin ko na sundin ang iyong utos, higit pa sa paghahangad na yumaman akong lubos. Ilayo mo ang pansin ko sa bagay na walang saysay; at ayon sa pangako mo'y pagpalain akong tunay. Tuparin mo ang pangakong ginawa sa iyong lingkod, ang pangako sa lahat ng sa iyo ay natatakot. Iligtas mo ang lingkod mo sa sinumang mapang-uyam, sa mabuting tuntunin mo, humahanga akong tunay! Ang lahat ng tuntunin mo, ang hangad ko'y aking sundin, pagkat ikaw ay matuwid, kaya ako'y pagpalain.
Mga Awit 119:33-40 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Ituro mo sa akin, Oh Panginoon, ang daan ng iyong mga palatuntunan; At aking iingatan hanggang sa wakas. Bigyan mo ako ng pagkaunawa at aking iingatan ang iyong kautusan; Oo, aking susundin ng aking buong puso. Payaunin mo ako sa landas ng iyong mga utos; Sapagka't siya kong kinaaliwan. Ikiling mo ang aking puso sa iyong mga patotoo, At huwag sa kasakiman. Alisin mo ang aking mga mata sa pagtingin ng walang kabuluhan. At buhayin mo ako sa iyong mga daan. Papagtibayin mo ang iyong salita sa iyong lingkod, Na ukol sa takot sa iyo. Alisin mo ang aking kadustaan na aking kinatatakutan: Sapagka't ang mga kahatulan mo'y mabuti. Narito, ako'y nanabik sa iyong mga tuntunin; Buhayin mo ako sa iyong katuwiran.