Dumidikit sa alabok ang kaluluwa ko; muli mo akong buhayin ayon sa iyong salita. Nang ipahayag ko ang aking mga lakad, sinagot mo ako; ituro mo sa akin ang mga tuntunin mo! Ipaunawa mo sa akin ang daan ng mga panuntunan mo, at aking bubulay-bulayin ang kahanga-hangang mga gawa mo. Ang kaluluwa ko'y natutunaw dahil sa kalungkutan; palakasin mo ako ayon sa iyong salita! Ilayo mo sa akin ang mga maling daan; at malugod na ituro mo sa akin ang iyong kautusan! Ang daan ng katapatan ay pinili ko, ang mga tuntunin mo'y inilagay ko sa harapan ko. Ako'y kumapit sa iyong mga patotoo, O PANGINOON; sa kahihiyan ay ilayo mo ako! Ako'y tatakbo sa daan ng mga utos mo, kapag iyong pinalaki ang puso ko! Ituro mo sa akin, O PANGINOON, ang daan ng iyong mga batas, at ito'y aking iingatan hanggang sa wakas. Bigyan mo ako ng pang-unawa upang aking maingatan ang kautusan mo, at akin itong susundin ng buong puso ko. Akayin mo ako sa landas ng mga utos mo, sapagkat aking kinaluluguran ito. Ikiling mo ang aking puso sa iyong mga patotoo, at huwag sa pakinabang. Ilayo mo ang aking mga mata sa pagtingin sa walang kabuluhan; at bigyan mo ako ng buhay sa iyong mga daan. Pagtibayin mo ang iyong pangako sa lingkod mo, na para sa mga natatakot sa iyo. Ilayo mo ang kahihiyan na aking kinatatakutan; sapagkat ang mga batas mo'y mainam. Ako'y nasasabik sa iyong mga panuntunan, bigyan mo ako ng buhay sa iyong katuwiran.
Basahin MGA AWIT 119
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: MGA AWIT 119:25-40
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas