Mga Awit 119:25-40
Mga Awit 119:25-40 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ako'y gapi't lupasay na sa bunton ng alikabok, sang-ayon sa pangako mo, palakasin akong lubos. Ang aking mga gawang kamalia'y pinatawad mo, ang tuntunin mo at aral, sa lingkod mo'y ituro. Tulungang maunawaan, iyong mga kautusan, iyong kahanga-hangang gawa, lubos kong pag-aaralan. Damdam ko ba sa sarili, naghahari'y pawang lungkot; sang-ayon sa pangako mo, palakasin akong lubos. Sa landas na di matuwid, huwag mo akong hahayaan, pagkat ikaw ang mabuti, ituro ang iyong aral. Ang pasya ko sa sarili, ako'y maging masunurin, sa batas mo, ang pansin ko ay doon ko ibabaling. Itong mga tuntunin mo, O Yahweh, ay sinunod ko; huwag nawang hahayaang mapahiya ang lingkod mo. Ang lahat mong mga utos, ay malugod kong susundin, dahilan sa pang-unawang ibibigay mo sa akin. Ituro mo, O Yahweh, layunin ng kautusan, at iyon ang susundin ko habang ako'y nabubuhay. Ituro mo ang batas mo't sisikapin kong masunod, buong pusong iingatan at susundin ko nang lubos. Sa pagsunod sa utos mo, ako'y iyong pangunahan, pagkat dito nakakamtan ang ligayang inaasam. Itulot mong hangarin ko na sundin ang iyong utos, higit pa sa paghahangad na yumaman akong lubos. Ilayo mo ang pansin ko sa bagay na walang saysay; at ayon sa pangako mo'y pagpalain akong tunay. Tuparin mo ang pangakong ginawa sa iyong lingkod, ang pangako sa lahat ng sa iyo ay natatakot. Iligtas mo ang lingkod mo sa sinumang mapang-uyam, sa mabuting tuntunin mo, humahanga akong tunay! Ang lahat ng tuntunin mo, ang hangad ko'y aking sundin, pagkat ikaw ay matuwid, kaya ako'y pagpalain.
Mga Awit 119:25-40 Ang Salita ng Dios (ASND)
Akoʼy parang mamamatay na, kaya panatilihin nʼyo akong buhay ayon sa inyong pangako. Sinabi ko sa inyo ang tungkol sa aking pamumuhay at pinakinggan nʼyo ako. Ituro nʼyo sa akin ang inyong mga tuntunin. Ipaunawa nʼyo sa akin ang inyong mga tuntunin, upang pagbulay-bulayan ko ang inyong kahanga-hangang mga gawa. Akoʼy nanlulumo dahil sa kalungkutan, palakasin nʼyo ako ayon sa inyong pangako. Ilayo nʼyo ako mula sa paggawa ng masama, at tulungan nʼyo ako na sundin ang inyong kautusan. Pinili ko ang tamang daan, gusto kong sumunod sa inyong mga utos. PANGINOON, sinunod ko ang inyong mga turo, kaya huwag nʼyong papayagang akoʼy mapahiya. Pinagsisikapan kong sundin ang inyong mga utos, dahil pinapalawak nʼyo ang aking pang-unawa. PANGINOON, ituro nʼyo sa akin ang inyong mga tuntunin, at habang nabubuhay itoʼy aking susundin. Bigyan nʼyo ako ng pang-unawa sa inyong kautusan, at itoʼy buong puso kong susundin at iingatan. Pangunahan nʼyo ako sa aking pagsunod sa inyong mga utos, dahil ito ang aking kasiyahan. Bigyan nʼyo ako ng pagnanais na sundin ang inyong mga turo at hindi ang pagnanais na yumaman. Ilayo nʼyo ako sa pagnanais ng mga bagay na walang kabuluhan. Panatilihin nʼyo ang aking buhay ayon sa inyong pangako. Tuparin nʼyo ang inyong ipinangako sa akin na inyong lingkod, na siyang mga ipinangako nʼyo sa mga may takot sa inyo. Alisin nʼyo ang mga kahihiyan na aking kinatatakutan, dahil mabuti ang inyong mga tuntunin. Gusto kong sundin ang inyong mga tuntunin. Dahil kayoʼy matuwid, panatilihin nʼyo akong buhay.
Mga Awit 119:25-40 Ang Biblia (TLAB)
Ang kaluluwa ko'y dumidikit sa alabok: buhayin mo ako ayon sa iyong salita. Aking ipinahayag ang mga lakad ko, at ikaw ay sumagot sa akin: ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo. Ipaunawa mo sa akin ang daan ng iyong mga tuntunin: sa gayo'y aking bubulayin ang iyong kagilagilalas na mga gawa. Ang kaluluwa ko'y natutunaw sa kabigatan ng loob: iyong palakasin ako ayon sa iyong salita. Ilayo mo sa akin ang daan ng kasinungalingan: at ipagkaloob mo sa aking may pagbibiyaya ang iyong kautusan. Aking pinili ang daan ng pagtatapat: ang mga kahatulan mo'y inilagay ko sa harap ko. Ako'y kumapit sa iyong mga patotoo: Oh Panginoon, huwag mo akong ilagay sa kahihiyan. Aking tatakbuhan ang daan ng iyong mga utos, pagka iyong pinalaki ang aking puso. Ituro mo sa akin, Oh Panginoon, ang daan ng iyong mga palatuntunan; at aking iingatan hanggang sa wakas. Bigyan mo ako ng pagkaunawa at aking iingatan ang iyong kautusan; Oo, aking susundin ng aking buong puso. Payaunin mo ako sa landas ng iyong mga utos; sapagka't siya kong kinaaliwan. Ikiling mo ang aking puso sa iyong mga patotoo, at huwag sa kasakiman. Alisin mo ang aking mga mata sa pagtingin ng walang kabuluhan. At buhayin mo ako sa iyong mga daan. Papagtibayin mo ang iyong salita sa iyong lingkod, na ukol sa takot sa iyo. Alisin mo ang aking kadustaan na aking kinatatakutan: sapagka't ang mga kahatulan mo'y mabuti. Narito, ako'y nanabik sa iyong mga tuntunin; buhayin mo ako sa iyong katuwiran.
Mga Awit 119:25-40 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ako'y gapi't lupasay na sa bunton ng alikabok, sang-ayon sa pangako mo, palakasin akong lubos. Ang aking mga gawang kamalia'y pinatawad mo, ang tuntunin mo at aral, sa lingkod mo'y ituro. Tulungang maunawaan, iyong mga kautusan, iyong kahanga-hangang gawa, lubos kong pag-aaralan. Damdam ko ba sa sarili, naghahari'y pawang lungkot; sang-ayon sa pangako mo, palakasin akong lubos. Sa landas na di matuwid, huwag mo akong hahayaan, pagkat ikaw ang mabuti, ituro ang iyong aral. Ang pasya ko sa sarili, ako'y maging masunurin, sa batas mo, ang pansin ko ay doon ko ibabaling. Itong mga tuntunin mo, O Yahweh, ay sinunod ko; huwag nawang hahayaang mapahiya ang lingkod mo. Ang lahat mong mga utos, ay malugod kong susundin, dahilan sa pang-unawang ibibigay mo sa akin. Ituro mo, O Yahweh, layunin ng kautusan, at iyon ang susundin ko habang ako'y nabubuhay. Ituro mo ang batas mo't sisikapin kong masunod, buong pusong iingatan at susundin ko nang lubos. Sa pagsunod sa utos mo, ako'y iyong pangunahan, pagkat dito nakakamtan ang ligayang inaasam. Itulot mong hangarin ko na sundin ang iyong utos, higit pa sa paghahangad na yumaman akong lubos. Ilayo mo ang pansin ko sa bagay na walang saysay; at ayon sa pangako mo'y pagpalain akong tunay. Tuparin mo ang pangakong ginawa sa iyong lingkod, ang pangako sa lahat ng sa iyo ay natatakot. Iligtas mo ang lingkod mo sa sinumang mapang-uyam, sa mabuting tuntunin mo, humahanga akong tunay! Ang lahat ng tuntunin mo, ang hangad ko'y aking sundin, pagkat ikaw ay matuwid, kaya ako'y pagpalain.
Mga Awit 119:25-40 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Ang kaluluwa ko'y dumidikit sa alabok: Buhayin mo ako ayon sa iyong salita. Aking ipinahayag ang mga lakad ko, at ikaw ay sumagot sa akin: Ituro mo sa akin ang mga palatuntunan mo. Ipaunawa mo sa akin ang daan ng iyong mga tuntunin: Sa gayo'y aking bubulayin ang iyong kagilagilalas na mga gawa. Ang kaluluwa ko'y natutunaw sa kabigatan ng loob: Iyong palakasin ako ayon sa iyong salita. Ilayo mo sa akin ang daan ng kasinungalingan: At ipagkaloob mo sa aking may pagbibiyaya ang iyong kautusan. Aking pinili ang daan ng pagtatapat: Ang mga kahatulan mo'y inilagay ko sa harap ko. Ako'y kumapit sa iyong mga patotoo: Oh Panginoon, huwag mo akong ilagay sa kahihiyan. Aking tatakbuhan ang daan ng iyong mga utos, Pagka iyong pinalaki ang aking puso. Ituro mo sa akin, Oh Panginoon, ang daan ng iyong mga palatuntunan; At aking iingatan hanggang sa wakas. Bigyan mo ako ng pagkaunawa at aking iingatan ang iyong kautusan; Oo, aking susundin ng aking buong puso. Payaunin mo ako sa landas ng iyong mga utos; Sapagka't siya kong kinaaliwan. Ikiling mo ang aking puso sa iyong mga patotoo, At huwag sa kasakiman. Alisin mo ang aking mga mata sa pagtingin ng walang kabuluhan. At buhayin mo ako sa iyong mga daan. Papagtibayin mo ang iyong salita sa iyong lingkod, Na ukol sa takot sa iyo. Alisin mo ang aking kadustaan na aking kinatatakutan: Sapagka't ang mga kahatulan mo'y mabuti. Narito, ako'y nanabik sa iyong mga tuntunin; Buhayin mo ako sa iyong katuwiran.