Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 119:137-144

MGA AWIT 119:137-144 ABTAG01

Matuwid ka, O PANGINOON, at matuwid ang iyong mga hatol. Itinakda mo ang iyong mga patotoo sa katuwiran at sa buong katapatan. Tinunaw ako ng sigasig ko, sapagkat kinalimutan ng aking mga kaaway ang mga salita mo. Totoong dalisay ang salita mo, kaya't iniibig ito ng lingkod mo. Ako'y maliit at hinahamak, gayunma'y hindi ko kinalilimutan ang iyong mga batas. Ang katuwiran mo ay walang hanggang katuwiran, at ang kautusan mo'y katotohanan. Dumating sa akin ang dalamhati at kabagabagan, at ang mga utos mo'y aking kasiyahan. Ang mga patotoo mo'y matuwid magpakailanman; bigyan mo ako ng pang-unawa upang ako'y mabuhay.

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya