Mga Awit 119:137-144
Mga Awit 119:137-144 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Matuwid ka, O Yahweh, matapat ka nga at banal, matapat ang tuntunin mo sa bigay mong kautusan. Yaong mga tuntunin mong iniukol mo sa amin, sa lahat ay naaangkop, at matapat ang layunin. Nag-aapoy ang galit ko, sa puso ko'y nag-aalab, pagkat yaong kaaway ko sa utos mo'y yumuyurak. Ang pangako mo sa amin ay subok na't walang mintis, kaya naman ang lingkod mo'y labis itong iniibig. Kung ako ma'y walang saysay at kanilang itinakwil, gayon pa man, ang utos mo'y hindi pa rin lilimutin. Ang taglay mong katapatan, kailanma'y di kukupas, katuruan mo'y totoo at ito ay walang wakas. Ang buhay ko'y nalilipos ng hirap at suliranin, ngunit ang iyong kautusan ang sa aki'y umaaliw. Ang lahat ng tuntunin mo'y matuwid at walang hanggan, bigyan ako ng unawa at ako ay mabubuhay.
Mga Awit 119:137-144 Ang Salita ng Dios (ASND)
Matuwid kayo, PANGINOON, at tama ang inyong mga paghatol. Ang inyong ibinigay na mga turo ay matuwid at mapagkatiwalaan. Labis ang aking galit dahil binalewala ng aking mga kaaway ang inyong mga salita. Napatunayan na maaasahan ang inyong mga pangako, kaya napakahalaga nito sa akin na inyong lingkod. Kahit mahirap lang ako at inaayawan, hindi ko kinakalimutan ang inyong mga tuntunin. Walang katapusan ang inyong katuwiran, at ang inyong kautusan ay batay sa katotohanan. Dumating sa akin ang mga kaguluhan at kahirapan, ngunit ang inyong mga utos ay nagbigay sa akin ng kagalakan. Ang inyong mga turo ay matuwid at walang hanggan. Bigyan nʼyo ako ng pang-unawa upang patuloy akong mabuhay.
Mga Awit 119:137-144 Ang Biblia (TLAB)
Matuwid ka, Oh Panginoon, at matuwid ang mga kahatulan mo. Iniutos mo ang mga patotoo mo sa katuwiran at totoong may pagtatapat. Tinunaw ako ng aking sikap, sapagka't kinalimutan ng aking mga kaaway ang mga salita mo. Ang salita mo'y totoong malinis; kaya't iniibig ito ng iyong lingkod. Ako'y maliit at hinahamak: gayon ma'y hindi ko kinalilimutan ang mga tuntunin mo. Ang katuwiran mo ay walang hanggang katuwiran, at ang kautusan mo'y katotohanan. Kabagabagan at kahirapan ay humawak sa akin: gayon ma'y ang mga utos mo'y aking kaaliwan. Ang mga patotoo mo'y matuwid magpakailan man: bigyan mo ako ng unawa at mabubuhay ako.
Mga Awit 119:137-144 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Matuwid ka, O Yahweh, matapat ka nga at banal, matapat ang tuntunin mo sa bigay mong kautusan. Yaong mga tuntunin mong iniukol mo sa amin, sa lahat ay naaangkop, at matapat ang layunin. Nag-aapoy ang galit ko, sa puso ko'y nag-aalab, pagkat yaong kaaway ko sa utos mo'y yumuyurak. Ang pangako mo sa amin ay subok na't walang mintis, kaya naman ang lingkod mo'y labis itong iniibig. Kung ako ma'y walang saysay at kanilang itinakwil, gayon pa man, ang utos mo'y hindi pa rin lilimutin. Ang taglay mong katapatan, kailanma'y di kukupas, katuruan mo'y totoo at ito ay walang wakas. Ang buhay ko'y nalilipos ng hirap at suliranin, ngunit ang iyong kautusan ang sa aki'y umaaliw. Ang lahat ng tuntunin mo'y matuwid at walang hanggan, bigyan ako ng unawa at ako ay mabubuhay.
Mga Awit 119:137-144 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Matuwid ka, Oh Panginoon, At matuwid ang mga kahatulan mo. Iniutos mo ang mga patotoo mo sa katuwiran At totoong may pagtatapat. Tinunaw ako ng aking sikap, Sapagka't kinalimutan ng aking mga kaaway ang mga salita mo. Ang salita mo'y totoong malinis; Kaya't iniibig ito ng iyong lingkod. Ako'y maliit at hinahamak: Gayon ma'y hindi ko kinalilimutan ang mga tuntunin mo. Ang katuwiran mo ay walang hanggang katuwiran, At ang kautusan mo'y katotohanan. Kabagabagan at kahirapan ay humawak sa akin: Gayon ma'y ang mga utos mo'y aking kaaliwan. Ang mga patotoo mo'y matuwid magpakailan man: Bigyan mo ako ng unawa at mabubuhay ako.