Ngunit ikaw, O Diyos kong PANGINOON, gumawa ka para sa akin alang-alang sa iyong pangalan, sapagkat ang iyong tapat na pag-ibig ay mabuti, iligtas mo ako! Sapagkat ako'y dukha at nangangailangan, at ang aking puso ay nasaktan sa loob ko. Ako'y naglalahong gaya ng anino kapag ito'y humahaba, ako'y nililiglig na gaya ng balang. Ang aking mga tuhod ay mahina dahil sa pag-aayuno, ang aking laman ay nagkukulang ng katabaan. Ako nama'y naging hamak sa kanila, kapag nakikita nila ako, ang ulo nila ay kanilang iniiling. O PANGINOON kong Diyos! Tulungan mo ako; ayon sa iyong tapat na pag-ibig ako ay iligtas mo.
Basahin MGA AWIT 109
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: MGA AWIT 109:21-26
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas