Mga Awit 109:21-26
Mga Awit 109:21-26 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Katulad ng pangako mo, Yahweh, ako ay tulungan, yamang ika'y mapagmahal, ako'y ipagtanggol naman. Pagkat ako ay mahirap, laging nangangailangan, labis akong naghihirap sa ganitong kalagayan. Anino ang katulad ko na kung gabi'y nawawala, parang balang na lumipad, kapag ako ay inuga. Mahina na ang tuhod ko, dahilan sa di pagkain, payat na ang katawan ko, buto't balat sa paningin. Ang sinumang makakita sa akin ay nagtatawa, umiiling silang lahat kapag ako'y nakikita. Tulungan mo ako, Yahweh, sana naman ay iligtas, dahilan sa pag-ibig mong matatag at di kukupas.
Mga Awit 109:21-26 Ang Salita ng Dios (ASND)
Ngunit Panginoong DIOS, tulungan nʼyo ako upang kayo ay maparangalan. Iligtas nʼyo ako dahil kayo ay mabuti at mapagmahal. Dahil akoʼy dukha at nangangailangan, at ang damdamin koʼy nasasaktan. Unti-unti nang nawawala ang aking buhay. Itoʼy parang anino na nawawala pagsapit ng gabi, at parang balang na lumilipad at nawawala kapag nagalaw ang dinadapuan. Nanghihina ang mga tuhod ko dahil sa pag-aayuno. Akoʼy payat na payat na. Akoʼy kinukutya ng aking mga kaaway. Iiling-iling sila kapag akoʼy nakita. PANGINOON kong Dios, iligtas nʼyo ako ayon sa pag-ibig nʼyo sa akin.
Mga Awit 109:21-26 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Nguni't gumawa kang kasama ko, Oh Dios na Panginoon, alang-alang sa iyong pangalan: Sapagka't ang iyong kagandahang-loob ay mabuti, iligtas mo ako, Sapagka't ako'y dukha at mapagkailangan, At ang aking puso ay nasaktan sa loob ko. Ako'y yumayaong gaya ng lilim pagka kumikiling: Ako'y itinataas at ibinababa ng hangin na parang balang. Ang aking mga tuhod ay mahina sa pagaayuno, At ang aking laman ay nagkukulang ng katabaan. Ako nama'y naging kadustaan sa kanila: Pagka kanilang nakikita ako, kanilang pinagagalawgalaw ang kanilang ulo. Tulungan mo ako, Oh Panginoon kong Dios; Oh iligtas mo ako ayon sa iyong kagandahang-loob
Mga Awit 109:21-26 Ang Biblia (TLAB)
Nguni't gumawa kang kasama ko, Oh Dios na Panginoon, alang-alang sa iyong pangalan: sapagka't ang iyong kagandahang-loob ay mabuti, iligtas mo ako, Sapagka't ako'y dukha at mapagkailangan, at ang aking puso ay nasaktan sa loob ko. Ako'y yumayaong gaya ng lilim pagka kumikiling: ako'y itinataas at ibinababa ng hangin na parang balang. Ang aking mga tuhod ay mahina sa pagaayuno, at ang aking laman ay nagkukulang ng katabaan. Ako nama'y naging kadustaan sa kanila: pagka kanilang nakikita ako, kanilang pinagagalawgalaw ang kanilang ulo. Tulungan mo ako, Oh Panginoon kong Dios; Oh iligtas mo ako ayon sa iyong kagandahang-loob
Mga Awit 109:21-26 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)