Ngunit Panginoong DIOS, tulungan nʼyo ako upang kayo ay maparangalan. Iligtas nʼyo ako dahil kayo ay mabuti at mapagmahal. Dahil akoʼy dukha at nangangailangan, at ang damdamin koʼy nasasaktan. Unti-unti nang nawawala ang aking buhay. Itoʼy parang anino na nawawala pagsapit ng gabi, at parang balang na lumilipad at nawawala kapag nagalaw ang dinadapuan. Nanghihina ang mga tuhod ko dahil sa pag-aayuno. Akoʼy payat na payat na. Akoʼy kinukutya ng aking mga kaaway. Iiling-iling sila kapag akoʼy nakita. PANGINOON kong Dios, iligtas nʼyo ako ayon sa pag-ibig nʼyo sa akin.
Basahin Salmo 109
Makinig sa Salmo 109
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Salmo 109:21-26
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas