Kanyang inilatag ang ulap bilang panakip, at apoy upang magbigay liwanag sa gabi. Sila'y humingi, at dinalhan niya ng mga pugo, at binigyan niya sila ng saganang tinapay mula sa langit. Kanyang binuksan ang bato at dumaloy ang tubig; ito'y umagos sa ilang na gaya ng ilog. Sapagkat naalala niya ang kanyang banal na salita, at si Abraham na kanyang lingkod. At kanyang inilabas na may kagalakan ang kanyang bayan, at ang kanyang hinirang na may pag-aawitan. At ibinigay niya sa kanila ang mga lupain ng mga bansa; at inangkin nila ang paggawa ng mga tao, upang kanilang ingatan ang kanyang mga tuntunin, at ang kanyang mga kautusan ay sundin. Purihin ang PANGINOON!
Basahin MGA AWIT 105
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: MGA AWIT 105:39-45
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas