Sa kanilang paglalakbay, naglagay ang Dios ng ulap na lililim sa kanila sa init ng araw at kung gabiʼy apoy naman upang magbigay sa kanila ng liwanag. Ang mga taoʼy humingi ng makakain, at pinadalhan sila ng Dios ng mga pugo, at binusog niya sila ng pagkaing mula sa langit. Pinabitak niya ang bato at bumukal ang tubig. Umagos ito na parang ilog sa tuyong lupa. Ang lahat ng ito ay ginawa ng Dios dahil hindi niya kinalimutan ang kanyang pangako kay Abraham na kanyang lingkod. Pinalabas niya sa Egipto ang kanyang mga mamamayan na masayang-masaya at sumisigaw sa kagalakan. Ibinigay niya sa kanila ang mga lupain ng ibang bansa; ipinamana sa kanila ang pinaghirapan ng iba. Ginawa ito ng Dios upang sundin nila ang kanyang mga tuntunin at kautusan.
Basahin Salmo 105
Makinig sa Salmo 105
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng Bersyon: Salmo 105:39-45
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas