Mga Awit 105:39-45
Mga Awit 105:39-45 Ang Salita ng Dios (ASND)
Sa kanilang paglalakbay, naglagay ang Dios ng ulap na lililim sa kanila sa init ng araw at kung gabiʼy apoy naman upang magbigay sa kanila ng liwanag. Ang mga taoʼy humingi ng makakain, at pinadalhan sila ng Dios ng mga pugo, at binusog niya sila ng pagkaing mula sa langit. Pinabitak niya ang bato at bumukal ang tubig. Umagos ito na parang ilog sa tuyong lupa. Ang lahat ng ito ay ginawa ng Dios dahil hindi niya kinalimutan ang kanyang pangako kay Abraham na kanyang lingkod. Pinalabas niya sa Egipto ang kanyang mga mamamayan na masayang-masaya at sumisigaw sa kagalakan. Ibinigay niya sa kanila ang mga lupain ng ibang bansa; ipinamana sa kanila ang pinaghirapan ng iba. Ginawa ito ng Dios upang sundin nila ang kanyang mga tuntunin at kautusan.
Mga Awit 105:39-45 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Kaniyang inilatag ang ulap na pinakakubong; At apoy upang magbigay liwanag sa gabi, Sila'y nagsihingi, at dinalhan niya ng mga pugo, At binusog niya sila ng pagkain na mula sa langit. Kaniyang ibinuka ang bato at binukalan ng tubig; Nagsiagos sa tuyong mga dako na parang ilog. Sapagka't kaniyang naalaala ang kaniyang banal na salita, At si Abraham na kaniyang lingkod. At kaniyang inilabas ang kaniyang bayan na may kagalakan, At ang kaniyang hirang na may awitan. At ibinigay niya sa kanila ang mga lupain ng mga bansa; At kinuha nila ang gawa ng mga bayan na pinakaari: Upang kanilang maingatan ang kaniyang mga palatuntunan, At sundin ang kaniyang mga kautusan. Purihin ninyo ang Panginoon.
Mga Awit 105:39-45 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang naging patnubay nila sa paglakad, kung araw ay ulap, at kung gabi naman ay haliging apoy na nagliliwanag. Nang sila'y humingi niyong makakain, pugo ang nakita, at buhat sa langit, sila ay binusog ng maraming manna. Sa bitak ng bato, bumukal ang tubig nang sila'y mauhaw, pinadaloy niyang katulad ay ilog sa gitna ng ilang. Nagunita ng Diyos ang kanyang ginawang mahalagang tipan, ang pangako niya sa tapat na lingkod niyang si Abraham. Kaya't ang bayan niya'y kanyang inilabas na lugod na lugod, nang kanyang ialis, umaawit sila nang buong alindog. Ang mga hinirang ay binigyan niya ng lupang malawak, sila ang nag-ani sa lupaing iyong iba ang naghirap. Ginawa niya ito upang ang tuntuni'y kanilang mahalin, yaong kautusan, ang utos ni Yahweh ay kanilang sundin.
Mga Awit 105:39-45 Ang Biblia (TLAB)
Kaniyang inilatag ang ulap na pinakakubong; at apoy upang magbigay liwanag sa gabi, Sila'y nagsihingi, at dinalhan niya ng mga pugo, at binusog niya sila ng pagkain na mula sa langit. Kaniyang ibinuka ang bato at binukalan ng tubig; nagsiagos sa tuyong mga dako na parang ilog. Sapagka't kaniyang naalaala ang kaniyang banal na salita, at si Abraham na kaniyang lingkod. At kaniyang inilabas ang kaniyang bayan na may kagalakan, at ang kaniyang hirang na may awitan. At ibinigay niya sa kanila ang mga lupain ng mga bansa; at kinuha nila ang gawa ng mga bayan na pinakaari: Upang kanilang maingatan ang kaniyang mga palatuntunan, at sundin ang kaniyang mga kautusan. Purihin ninyo ang Panginoon.
Mga Awit 105:39-45 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)