Kaniyang inilatag ang ulap na pinakakubong; at apoy upang magbigay liwanag sa gabi, Sila'y nagsihingi, at dinalhan niya ng mga pugo, at binusog niya sila ng pagkain na mula sa langit. Kaniyang ibinuka ang bato at binukalan ng tubig; nagsiagos sa tuyong mga dako na parang ilog. Sapagka't kaniyang naalaala ang kaniyang banal na salita, at si Abraham na kaniyang lingkod. At kaniyang inilabas ang kaniyang bayan na may kagalakan, at ang kaniyang hirang na may awitan. At ibinigay niya sa kanila ang mga lupain ng mga bansa; at kinuha nila ang gawa ng mga bayan na pinakaari: Upang kanilang maingatan ang kaniyang mga palatuntunan, at sundin ang kaniyang mga kautusan. Purihin ninyo ang Panginoon.
Basahin Mga Awit 105
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Mga Awit 105:39-45
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas