Ang hangal na babae ay madaldal; siya'y magaslaw at walang nalalaman. Siya'y nauupo sa pintuan ng kanyang bahay, sa isang upuan sa matataas na dako ng bayan, upang tawagin ang mga nagdaraan, na matuwid na humahayo sa kanilang mga lakad. “Sinumang walang muwang ay pumasok dito!” At sa kanya na kulang sa pag-unawa, ay kanyang sinasabi, “Ang ninakaw na tubig ay matamis, ang tinapay na kinakain sa lihim ay kanais-nais.” Ngunit hindi niya nalalaman na ang mga patay ay naroon, na ang mga panauhin niya ay nasa mga kalaliman ng Sheol.
Basahin MGA KAWIKAAN 9
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: MGA KAWIKAAN 9:13-18
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas