Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Kawikaan 9:13-18

Kawikaan 9:13-18 ASND

Ang kamangmangan ay katulad ng isang babaeng maingay, hindi marunong at walang nalalaman. Nakaupo siya sa pintuan ng kanyang bahay o sa upuan sa mataas na lugar sa lungsod, at tinatawag ang mga dumadaan na papunta sa kanilang trabaho. Sabi niya, “Halikayo rito, kayong mga walang karunungan.” At sinabi pa niya sa walang pang-unawa, “Mas masarap ang tubig na ninakaw at mas masarap ang pagkain na kinakain ng lihim.” Ngunit hindi alam ng mga taong pumupunta sa kanya na sila ay mamamatay. Ang mga nakapunta na sa kanya ay naroon na sa libingan.