Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA KAWIKAAN 9:13-18

MGA KAWIKAAN 9:13-18 ABTAG01

Ang hangal na babae ay madaldal; siya'y magaslaw at walang nalalaman. Siya'y nauupo sa pintuan ng kanyang bahay, sa isang upuan sa matataas na dako ng bayan, upang tawagin ang mga nagdaraan, na matuwid na humahayo sa kanilang mga lakad. “Sinumang walang muwang ay pumasok dito!” At sa kanya na kulang sa pag-unawa, ay kanyang sinasabi, “Ang ninakaw na tubig ay matamis, ang tinapay na kinakain sa lihim ay kanais-nais.” Ngunit hindi niya nalalaman na ang mga patay ay naroon, na ang mga panauhin niya ay nasa mga kalaliman ng Sheol.