Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA KAWIKAAN 8:22-31

MGA KAWIKAAN 8:22-31 ABTAG01

Inari ako ng PANGINOON sa pasimula ng lakad niya, bago pinasimulan ang kanyang mga gawa ng una. Ako'y inilagay mula ng walang pasimula, noong una, bago pa man nilikha ang lupa. Ako'y nailabas na nang wala pang mga kalaliman; nang wala pang masaganang tubig mula sa mga bukal. Bago pa ang mga bundok ay hinugisan, bago ang mga burol, ako'y isinilang, nang hindi pa niya nagagawa ang lupa, ni ang mga parang man, ni ang pasimula man ng alabok ng sanlibutan. Naroroon na ako nang kanyang itatag ang kalangitan, nang siya'y maglagay ng bilog sa ibabaw ng kalaliman, nang kanyang pagtibayin ang langit sa kaitaasan, nang kanyang patatagin ang mga bukal ng kalaliman, nang itakda niya sa dagat ang kanyang hangganan, upang huwag suwayin ng tubig ang kanyang kautusan, nang ang mga saligan ng lupa'y nilagyan niya ng palatandaan, nasa tabi nga niya ako na gaya ng punong manggagawa; at ako ang kanyang pang-araw-araw na ligaya, na laging nagagalak sa harapan niya, nagagalak sa kanyang lupang tinatahanan, at sa mga anak ng mga tao ay nasisiyahan.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa MGA KAWIKAAN 8:22-31