Mga Kawikaan 8:22-31
Mga Kawikaan 8:22-31 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
“Sa lahat ng nilikha ni Yahweh, ako ang siyang una, noong una pang panahon ako ay nalikha na. Matagal nang panahon nang anyuan niya ako, bago pa nalikha at naanyo itong mundo. Wala pa ang mga dagat nang ako'y lumitaw, wala pa ang mga bukal ng tubig na malilinaw. Wala pa ang mga burol, ganoon din ang mga bundok, nang ako ay isilang dito sa sansinukob. Ako muna ang nilikha bago ang lupa at bukid, nauna pa sa alabok, at sa lupang daigdig. Nang likhain ang mga langit, ako ay naroroon na, maging nang ang hangganan ng langit at lupa'y italaga. Naroon na rin ako nang ang ulap ay ilagay, at nang kanyang palitawin ang bukal sa kalaliman. Nang ilagay niya ang hangganan nitong dagat, nang ang patibayan ng mundo ay ilagay at itatag, ako'y lagi niyang kasama at katulong sa gawain, ako ay ligaya niya at sa akin siya'y aliw. Ako ay nagdiwang, nang daigdig ay matapos, dahil sa sangkatauhan, ligaya ko ay nalubos.
Mga Kawikaan 8:22-31 Ang Salita ng Dios (ASND)
Noong una pa, nilikha na ako ng PANGINOON bago niya likhain ang lahat. Nilikha na niya ako noong una pa man. Naroon na ako nang wala pa ang mundo, ang mga dagat, mga bukal, mga bundok, mga burol, mga bukid at kahit pa ang mga alikabok. Naroon na ako nang likhain niya ang langit, maging nang likhain niya ang tagpuan ng langit at ng lupa. Naroon din ako nang likhain niya ang mga ulap, nang palabasin niya ang tubig sa mga bukal mula sa kailaliman, nang ilagay niya ang hangganan ng mga dagat upang hindi ito umapaw, at nang ilagay niya ang mga pundasyon ng mundo. Katulad koʼy arkitekto, na nasa tabi ng PANGINOON. Ako ang kanyang kasiyahan sa araw-araw, at lagi naman akong masaya sa piling niya. Natutuwa ako sa mundong nilikha niya at sa mga taong inilagay niya dito.
Mga Kawikaan 8:22-31 Ang Biblia (TLAB)
Inari ako ng Panginoon sa pasimula ng kaniyang lakad, bago pinasimulan ang kaniyang mga gawa ng una. Ako'y nalagay mula noong araw mula ng walang pasimula, bago nalikha ang lupa. Ako'y nailabas ng wala pang mga kalaliman; nang wala pang mga bukal na sagana ng tubig. Bago ang mga bundok ay nalagay, bago ang mga burol ay ako'y nailabas: Samantalang hindi pa niya nililikha ang lupa, ni ang mga parang man, ni ang pasimula man ng alabok ng sanglibutan. Nang kaniyang itatag ang langit nandoon ako: nang siya'y maglagay ng balantok sa balat ng kalaliman: Nang kaniyang pagtibayin ang langit sa itaas: nang maging matibay ang mga bukal ng kalaliman: Nang bigyan niya ang dagat ng kaniyang hangganan, upang huwag salangsangin ng tubig ang kaniyang utos: nang kaniyang iayos ang mga patibayan ng lupa: Nasa siping nga niya ako na gaya ng matalinong manggagawa: at ako ang kaniyang ligaya sa araw-araw, na nagagalak na lagi sa harap niya; Na nagagalak sa kaniyang tinatahanang lupa; at ang aking kaaliwan ay sa mga anak ng mga tao.
Mga Kawikaan 8:22-31 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
“Sa lahat ng nilikha ni Yahweh, ako ang siyang una, noong una pang panahon ako ay nalikha na. Matagal nang panahon nang anyuan niya ako, bago pa nalikha at naanyo itong mundo. Wala pa ang mga dagat nang ako'y lumitaw, wala pa ang mga bukal ng tubig na malilinaw. Wala pa ang mga burol, ganoon din ang mga bundok, nang ako ay isilang dito sa sansinukob. Ako muna ang nilikha bago ang lupa at bukid, nauna pa sa alabok, at sa lupang daigdig. Nang likhain ang mga langit, ako ay naroroon na, maging nang ang hangganan ng langit at lupa'y italaga. Naroon na rin ako nang ang ulap ay ilagay, at nang kanyang palitawin ang bukal sa kalaliman. Nang ilagay niya ang hangganan nitong dagat, nang ang patibayan ng mundo ay ilagay at itatag, ako'y lagi niyang kasama at katulong sa gawain, ako ay ligaya niya at sa akin siya'y aliw. Ako ay nagdiwang, nang daigdig ay matapos, dahil sa sangkatauhan, ligaya ko ay nalubos.
Mga Kawikaan 8:22-31 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Inari ako ng Panginoon sa pasimula ng kaniyang lakad, Bago pinasimulan ang kaniyang mga gawa ng una. Ako'y nalagay mula noong araw mula ng walang pasimula, Bago nalikha ang lupa. Ako'y nailabas ng wala pang mga kalaliman; Nang wala pang mga bukal na sagana ng tubig. Bago ang mga bundok ay nalagay, Bago ang mga burol ay ako'y nailabas: Samantalang hindi pa niya nililikha ang lupa, ni ang mga parang man, Ni ang pasimula man ng alabok ng sanglibutan. Nang kaniyang itatag ang langit nandoon ako: Nang siya'y maglagay ng balantok sa balat ng kalaliman: Nang kaniyang pagtibayin ang langit sa itaas: Nang maging matibay ang mga bukal ng kalaliman: Nang bigyan niya ang dagat ng kaniyang hangganan, Upang huwag salangsangin ng tubig ang kaniyang utos: Nang kaniyang iayos ang mga patibayan ng lupa: Nasa siping nga niya ako na gaya ng matalinong manggagawa: At ako ang kaniyang ligaya sa araw-araw, Na nagagalak na lagi sa harap niya; Na nagagalak sa kaniyang tinatahanang lupa; At ang aking kaaliwan ay sa mga anak ng mga tao.