Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Kawikaan 8:22-31

Kawikaan 8:22-31 ASND

Noong una pa, nilikha na ako ng PANGINOON bago niya likhain ang lahat. Nilikha na niya ako noong una pa man. Naroon na ako nang wala pa ang mundo, ang mga dagat, mga bukal, mga bundok, mga burol, mga bukid at kahit pa ang mga alikabok. Naroon na ako nang likhain niya ang langit, maging nang likhain niya ang tagpuan ng langit at ng lupa. Naroon din ako nang likhain niya ang mga ulap, nang palabasin niya ang tubig sa mga bukal mula sa kailaliman, nang ilagay niya ang hangganan ng mga dagat upang hindi ito umapaw, at nang ilagay niya ang mga pundasyon ng mundo. Katulad koʼy arkitekto, na nasa tabi ng PANGINOON. Ako ang kanyang kasiyahan sa araw-araw, at lagi naman akong masaya sa piling niya. Natutuwa ako sa mundong nilikha niya at sa mga taong inilagay niya dito.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Kawikaan 8:22-31