Ang PANGINOON ay namumuhi sa anim na bagay, oo, pito ang sa kanya'y kasuklamsuklam: Mga palalong mata, sinungaling na dila, at mga kamay na nagbububo ng dugong walang sala, pusong kumakatha ng masasamang plano, mga paang sa kasamaan ay nagmamadali sa pagtakbo; bulaang saksi na nagsasalita ng kasinungalingan, at ang naghahasik sa magkakapatid ng kaguluhan. Anak ko, ingatan mo ang utos ng iyong ama, at huwag mong pabayaan ang turo ng iyong ina. Sa iyong puso'y ikintal mong lagi, sa iyong leeg ay iyong itali. Kapag ikaw ay lumalakad, sa iyo'y papatnubay, kapag ikaw ay natutulog, sa iyo'y magbabantay, at kapag ikaw ay gumigising, ikaw ay kanilang kakausapin. Sapagkat ang utos ay tanglaw, at ang aral ay ilaw, at ang mga saway ng disiplina ay daan ng buhay; upang mula sa masamang babae ay maingatan ka, mula sa tabil ng dila ng mapangalunya.
Basahin MGA KAWIKAAN 6
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: MGA KAWIKAAN 6:16-24
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas