May anim na bagay na kinamumuhian ang PANGINOON, pito na kinasusuklaman niya: mapagmataas na mga mata, sinungaling na dila, mga kamay na pumapatay sa mga walang sala, pusong nagbabalak ng masasamang pakana, mga paang sumusugod sa paggawa ng masama, bulaang saksi na puno ng kasinungalingan, at taong nag-uudyok ng gulo sa angkan. Anak, sundin mo ang itinuturo at iniuutos ng iyong mga magulang. Itanim mo ito sa iyong isipan upang hindi mo makalimutan. Ito ang papatnubay, mag-iingat at magpapaalala sa iyong pamumuhay, kahit ano pa ang iyong ginagawa. Sapagkat ang mga turo at utos ng iyong mga magulang ay katulad ng isang ilaw na tatanglaw sa iyo. At ang kanilang pagsaway sa iyo upang ituwid ang ugali mo ay ikabubuti at ikahahaba ng buhay mo. Ilalayo ka rin nito sa masamang babaeng nakakaakit ang pananalita.
Basahin Kawikaan 6
Makinig sa Kawikaan 6
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Kawikaan 6:16-24
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas