Mga Kawikaan 6:16-24
Mga Kawikaan 6:16-24 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
May anim na bagay na ipinagtatanim ng Panginoon; Oo, pito na mga kasuklamsuklam sa kaniya: Mga palalong mata, sinungaling na dila, At mga kamay na nagbububo ng walang salang dugo; Puso na kumakatha ng mga masamang akala, Mga paa na matulin sa pagtakbo sa kasamaan; Sinungaling na saksi na nagsasalita ng kabulaanan, At ang naghahasik ng pagtatalo sa gitna ng magkakapatid. Anak ko, ingatan mo ang utos ng iyong ama, At huwag mong kalimutan ang kautusan ng iyong ina: Ikintal mong lagi sa iyong puso, Itali mo sa iyong leeg. Pagka ikaw ay lumalakad, papatnubay sa iyo; Pagka ikaw ay natutulog, babantay sa iyo; At pagka ikaw ay gumigising, makikipagusap sa iyo. Sapagka't ang utos ay tanglaw; at ang kautusan ay liwanag; At ang mga saway na turo ay daan ng buhay: Upang ingatan ka sa masamang babae, Sa tabil ng dila ng di kilala.
Mga Kawikaan 6:16-24 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang kinamumuhian ni Yahweh ay pitong bagay, mga bagay na kanyang kinasusuklaman: kapalaluan, kasinungalingan, at mga pumapatay sa walang kasalanan, pusong sa kapwa'y walang mabuting isipan, mga paang ubod tulin sa landas ng kasamaan, saksing sinungaling, mapaglubid ng buhangin, pag-awayin ang kapwa, laging gusto niyang gawin. Aking anak, utos nga ng ama mo ay sundin, huwag mong tatalikuran, turo ng inang giliw. Sa puso mo ay iukit, at itanim mo sa isip. Pagkat ang aral na ito sa iyo ay patnubay, sa pagtulog mo ay bantay, sa paggawa ay alalay. Pagkat ang utos ay ilaw, ang turo ay tanglaw, at daan ng buhay itong mga saway. Ilalayo ka nito sa babaing masama, sa mapang-akit niyang salita ngunit puno ng daya.
Mga Kawikaan 6:16-24 Ang Salita ng Dios (ASND)
May mga bagay na kinamumuhian ang PANGINOON: ang pagmamataas, ang pagsisinungaling, ang pagpatay ng tao, ang pagpaplano ng masama, ang pagmamadaling gumawa ng masama, ang pagpapatotoo sa kasinungalingan, at pinag-aaway ang kanyang kapwa. Anak, sundin mo ang itinuturo at iniuutos ng iyong mga magulang. Itanim mo ito sa iyong isipan para hindi mo makalimutan. Ito ang magpapatnubay, mag-iingat at magpapaalala sa iyong pamumuhay, kahit ano pa ang iyong ginagawa. Sapagkat ang mga turo at utos ng iyong mga magulang ay katulad ng isang ilaw na tatanglaw sa iyo. At ang kanilang pagsaway sa iyo para ituwid ang ugali mo ay ikabubuti at ikahahaba ng buhay mo. Ilalayo ka rin nito sa masamang babaeng nakakaakit ang pananalita.
Mga Kawikaan 6:16-24 Ang Biblia (TLAB)
May anim na bagay na ipinagtatanim ng Panginoon; Oo, pito na mga kasuklamsuklam sa kaniya: Mga palalong mata, sinungaling na dila, at mga kamay na nagbububo ng walang salang dugo; Puso na kumakatha ng mga masamang akala, mga paa na matulin sa pagtakbo sa kasamaan; Sinungaling na saksi na nagsasalita ng kabulaanan, at ang naghahasik ng pagtatalo sa gitna ng magkakapatid. Anak ko, ingatan mo ang utos ng iyong ama, at huwag mong kalimutan ang kautusan ng iyong ina: Ikintal mong lagi sa iyong puso, itali mo sa iyong leeg. Pagka ikaw ay lumalakad, papatnubay sa iyo; pagka ikaw ay natutulog, babantay sa iyo; at pagka ikaw ay gumigising, makikipagusap sa iyo. Sapagka't ang utos ay tanglaw; at ang kautusan ay liwanag; at ang mga saway na turo ay daan ng buhay: Upang ingatan ka sa masamang babae, Sa tabil ng dila ng di kilala.
Mga Kawikaan 6:16-24 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)