Anak ko, ang disiplina ng PANGINOON ay huwag mong hamakin, at ang kanyang saway ay huwag mong itakuwil. Sapagkat sinasaway ng PANGINOON ang kanyang minamahal, gaya ng ama sa anak na kanyang kinalulugdan. Mapalad ang tao na nakakasumpong ng karunungan, at ang tao na nagtatamo ng kaunawaan. Sapagkat ang pakinabang dito kaysa pilak ay mas mainam, at ang mapapakinabang dito ay higit kaysa gintong dalisay. Kaysa mga alahas, siya ay mas mahalaga, at wala sa mga bagay na ninanasa mo ang maihahambing sa kanya. Ang mahabang buhay ay nasa kanyang kanang kamay; sa kanyang kaliwang kamay ay mga yaman at karangalan. Ang kanyang mga daan ay mga daan ng kaligayahan, at ang lahat niyang mga landas ay kapayapaan. Siya'y punungkahoy ng buhay sa mga humahawak sa kanya; at mapalad ang lahat ng nakakapit sa kanya. Itinatag ng PANGINOON ang daigdig sa pamamagitan ng karunungan; itinayo niya ang mga langit sa pamamagitan ng kaunawaan. Sa kanyang kaalaman ang mga kalaliman ay nabiyak, at nagpapatak ng hamog ang mga ulap.
Basahin MGA KAWIKAAN 3
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: MGA KAWIKAAN 3:11-20
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas