Mga Kawikaan 3:11-20
Mga Kawikaan 3:11-20 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Aking anak, ang saway ni Yahweh ay huwag mamaliitin, at ang kanyang pagtutuwid ay huwag mong itakwil, pagkat lahat ng mahal niya'y itinatama ng daan, tulad ng anak na minamahal, sinasaway ng magulang. Mapalad ang isang taong nakasumpong ng karunungan, at ang taong nagsisikap, unawa ay nagtatamo. Higit pa sa pilak ang pakinabang dito, at higit sa gintong lantay ang tubo nito. Sa alinmang alahas ay higit ang karunungan, at walang kayamanang dito ay maipapantay. Mahabang buhay ang dulot ng kaalaman, may taglay na kayamanan at may bungang karangalan. Maaliwalas ang landas ng taong may kaalaman, at puno ng kapayapaan ang lahat niyang araw. Mapalad nga ang taong may taglay na karunungan, para siyang punongkahoy na mabunga kailanman. Karunungan ang ginamit ni Yahweh sa paglikha sa daigdig, sa pamamagitan ng talino, inayos niya ang buong langit. Dahil sa kaalaman niya'y umaagos itong tubig, pumapatak nga ang ulan mula doon sa langit.
Mga Kawikaan 3:11-20 Ang Salita ng Dios (ASND)
Anak, huwag mong mamasamain kapag itinatama ka ng PANGINOON upang ituwid ang iyong pag-uugali. Sapagkat itinutuwid ng PANGINOON ang ugali ng kanyang mga minamahal, katulad ng ginagawa ng isang ama sa kanyang anak na kinalulugdan. Mapalad ang taong may karunungan at pang-unawa. Higit pa ito sa pilak at ginto, at sa ano pa mang mga mamahaling bato. Walang anumang bagay ang maaaring ipantay dito. Magpapahaba ito ng iyong buhay, magpapaunlad ng iyong kabuhayan at magbibigay sa iyo ng karangalan. Ang karunungan ay magpapabuti ng iyong kalagayan. Mapalad ang taong may karunungan, dahil magbibigay ito ng mabuti at mahabang buhay. Sa pamamagitan ng karunungan, nilikha ng PANGINOON ang lupa at ang langit, at bumukas ang mga bukal at mula sa mga ulap ay bumuhos ang ulan.
Mga Kawikaan 3:11-20 Ang Biblia (TLAB)
Anak ko, huwag mong hamakin ang parusa ng Panginoon; ni mayamot man sa kaniyang saway: Sapagka't sinasaway ng Panginoon ang kaniyang iniibig: gaya ng ama sa anak na kaniyang kinaluluguran. Mapalad ang tao na nakakasumpong ng karunungan, at ang tao na nagtatamo ng kaunawaan. Sapagka't ang kalakal niya ay maigi kay sa kalakal na pilak, at ang pakinabang niyaon kay sa dalisay na ginto. Mahalaga nga kay sa mga rubi; at wala sa mga bagay na mananasa mo sa maihahalintulad sa kaniya, Karamihan ng mga araw ay nasa kanang kamay niya, sa kaniyang kaliwang kamay ay mga kayamanan at karangalan. Ang kaniyang mga daan ay mga daan ng kaligayahan, at lahat niyang mga landas ay kapayapaan. Siya ay punong kahoy ng buhay sa mga nanghahawak sa kaniya: at mapalad ang bawa't isa na nangamamalagi sa kaniya. Nilikha ng Panginoon ang lupa sa pamamagitan ng karunungan; itinatag niya ang langit sa pamamagitan ng kaunawaan. Sa kaniyang kaalaman ay nabahagi ang mga kalaliman, at ang mga alapaap ay nagsipatak ng hamog.
Mga Kawikaan 3:11-20 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Aking anak, ang saway ni Yahweh ay huwag mamaliitin, at ang kanyang pagtutuwid ay huwag mong itakwil, pagkat lahat ng mahal niya'y itinatama ng daan, tulad ng anak na minamahal, sinasaway ng magulang. Mapalad ang isang taong nakasumpong ng karunungan, at ang taong nagsisikap, unawa ay nagtatamo. Higit pa sa pilak ang pakinabang dito, at higit sa gintong lantay ang tubo nito. Sa alinmang alahas ay higit ang karunungan, at walang kayamanang dito ay maipapantay. Mahabang buhay ang dulot ng kaalaman, may taglay na kayamanan at may bungang karangalan. Maaliwalas ang landas ng taong may kaalaman, at puno ng kapayapaan ang lahat niyang araw. Mapalad nga ang taong may taglay na karunungan, para siyang punongkahoy na mabunga kailanman. Karunungan ang ginamit ni Yahweh sa paglikha sa daigdig, sa pamamagitan ng talino, inayos niya ang buong langit. Dahil sa kaalaman niya'y umaagos itong tubig, pumapatak nga ang ulan mula doon sa langit.
Mga Kawikaan 3:11-20 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Anak ko, huwag mong hamakin ang parusa ng Panginoon; Ni mayamot man sa kaniyang saway: Sapagka't sinasaway ng Panginoon ang kaniyang iniibig: Gaya ng ama sa anak na kaniyang kinaluluguran. Mapalad ang tao na nakakasumpong ng karunungan, At ang tao na nagtatamo ng kaunawaan. Sapagka't ang kalakal niya ay maigi kay sa kalakal na pilak, At ang pakinabang niyaon kay sa dalisay na ginto. Mahalaga nga kay sa mga rubi; At wala sa mga bagay na mananasa mo sa maihahalintulad sa kaniya, Karamihan ng mga araw ay nasa kanang kamay niya, Sa kaniyang kaliwang kamay ay mga kayamanan at karangalan. Ang kaniyang mga daan ay mga daan ng kaligayahan, At lahat niyang mga landas ay kapayapaan. Siya ay punong kahoy ng buhay sa mga nanghahawak sa kaniya: At mapalad ang bawa't isa na nangamamalagi sa kaniya. Nilikha ng Panginoon ang lupa sa pamamagitan ng karunungan; Itinatag niya ang langit sa pamamagitan ng kaunawaan. Sa kaniyang kaalaman ay nabahagi ang mga kalaliman, At ang mga alapaap ay nagsipatak ng hamog.