Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Kawikaan 3:11-20

Kawikaan 3:11-20 ASND

Anak, huwag mong mamasamain kapag itinatama ka ng PANGINOON upang ituwid ang iyong pag-uugali. Sapagkat itinutuwid ng PANGINOON ang ugali ng kanyang mga minamahal, katulad ng ginagawa ng isang ama sa kanyang anak na kinalulugdan. Mapalad ang taong may karunungan at pang-unawa. Higit pa ito sa pilak at ginto, at sa ano pa mang mga mamahaling bato. Walang anumang bagay ang maaaring ipantay dito. Magpapahaba ito ng iyong buhay, magpapaunlad ng iyong kabuhayan at magbibigay sa iyo ng karangalan. Ang karunungan ay magpapabuti ng iyong kalagayan. Mapalad ang taong may karunungan, dahil magbibigay ito ng mabuti at mahabang buhay. Sa pamamagitan ng karunungan, nilikha ng PANGINOON ang lupa at ang langit, at bumukas ang mga bukal at mula sa mga ulap ay bumuhos ang ulan.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa Kawikaan 3:11-20