Kung ikaw ay sumigaw upang makaalam, at itinaas ang iyong tinig upang makaunawa, kung kagaya ng pilak, ito'y iyong hahanapin, at tulad ng nakatagong kayamanan, ito'y sasaliksikin, kung magkagayo'y ang takot sa PANGINOON ay iyong mauunawaan, at ang kaalaman sa Diyos ay iyong matatagpuan. Sapagkat ang PANGINOON ay nagbibigay ng karunungan, sa kanyang bibig nagmumula ang kaalaman at kaunawaan. Pinaglalaanan niya ang matuwid ng magaling na karunungan, siya'y kalasag sa mga lumalakad na may katapatan, upang mabantayan niya ang mga landas ng katarungan, at maingatan ang daan ng kanyang mga banal. Kung magkagayo'y mauunawaan mo ang katuwiran, ang katarungan at ang katapatan, bawat mabuting daan. Sapagkat papasok sa iyong puso ang karunungan, at magiging kaaya-aya sa iyong kaluluwa ang kaalaman.
Basahin MGA KAWIKAAN 2
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: MGA KAWIKAAN 2:3-10
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas