Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Kawikaan 2:3-10

Mga Kawikaan 2:3-10 RTPV05

Pagsikapan mong hanapin ang tunay na kaalaman, pang-unawa'y pilitin mong makita at masumpungan. Kung ito ay parang pilak na iyong hahanapin, at tulad ng ginto, na iyong miminahin, malalaman mo kung ano ang kahulugan ng paggalang at pagsunod kay Yahweh, at matatamo ang kaalaman tungkol sa Diyos. Sapagkat si Yahweh ang nagkakaloob ng karunungan, sa bibig niya ang kaalaman at unawa'y bumubukal. Bibigyan niya ng unawa ang matuwid ang pamumuhay, at ang taong matapat ay kanyang iingatan. Binabantayan niya ang daan ng katarungan, at ang lakad ng lingkod niya'y kanyang sinusubaybayan. Kaya nga, iyong mauunawaan ang katuwiran at katarungan, at iyong susundan ang landas ng kabutihan. Lalawak ang karunungang matatanim sa isipan, madadama ang kasiyahang dulot nitong kaalaman.