Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA KAWIKAAN 16:1-9

MGA KAWIKAAN 16:1-9 ABTAG01

Ang mga balak ng isipan ay sa tao nagmumula, ngunit mula sa PANGINOON ang sagot ng dila. Ang lahat ng mga lakad ng tao ay malinis sa sarili niyang mata, ngunit tinitimbang ng PANGINOON ang diwa. Italaga mo sa PANGINOON ang iyong mga gawa, at magiging matatag ang iyong mga panukala. Ginawa ng PANGINOON ang bawat bagay ukol sa layunin nito, pati ang masamang tao ukol sa araw ng gulo. Bawat palalo sa puso, sa PANGINOON ay kasuklamsuklam, iyong asahan, hindi siya maaaring hindi parusahan. Sa pamamagitan ng katapatan at katotohanan ay napagbabayaran ang kalikuan, at sa pamamagitan ng takot sa PANGINOON, ay umiiwas ang tao sa kasamaan. Kapag ang mga lakad ng tao sa PANGINOON ay kasiya-siya, kanyang pinagkakasundo maging ang mga kaaway niya. Mas mabuti ang kaunti na may katuwiran, kaysa malalaking kita na walang katarungan. Ang puso ng tao ang nagpapanukala ng kanyang daan, ngunit ang PANGINOON ang nangangasiwa ng kanyang mga hakbang.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa MGA KAWIKAAN 16:1-9