Mga Kawikaan 16:1-9
Mga Kawikaan 16:1-9 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang mga balak ng isipan ay sa tao nagmumula, ngunit mula kay Yahweh ang sagot ng dila. Ang akala ng tao ay tama ang kanyang kilos, ngunit sa tunay niyang layon, si Yahweh ang nakatatalos. Ipagkatiwala mo kay Yahweh ang iyong mga gagawin, at magtatagumpay ka sa lahat ng iyong mga layunin. Lahat ng nilalang ni Yahweh ay mayroong kadahilanan, at ang masasama, kaparusahan ang kahihinatnan. Kinamumuhian ni Yahweh ang lahat ng mayayabang, at sila'y tiyak na paparusahan. Katapatan kay Yahweh, bunga ay kapatawaran, ang sa kanya'y gumagalang at sumusunod, malayo sa kasamaan. Kung ang buhay ng tao ay kalugud-lugod kay Yahweh, maging ang mga kalaban, sa kanya'y makikipagbati. Ang maliit na halaga buhat sa mabuting paraan ay higit na mabuti sa yamang buhat sa kasamaan. Ang tao ang nagbabalak, ngunit si Yahweh ang nagpapatupad.
Mga Kawikaan 16:1-9 Ang Salita ng Dios (ASND)
Nasa tao ang pagpaplano, ngunit ang PANGINOON ang nagpapasya kung magaganap ito o hindi. Inaakala natin na tama ang lahat ng ating ginagawa, ngunit ang PANGINOON lang ang makakapaghusga kung ano talaga ang ating motibo. Ipagkatiwala mo sa PANGINOON ang lahat ng iyong gagawin, at magtatagumpay ka. Ang lahat ay nilikha ng PANGINOON na mayroong layunin, kahit na nga ang masasama, itinalaga sila para sa kapahamakan. Kinasusuklaman ng PANGINOON ang mayayabang at tiyak na silaʼy parurusahan. Kung minamahal natin ang PANGINOON nang may katapatan, patatawarin niya ang ating mga kasalanan. Kung may takot tayo sa kanya nang may paggalang, makalalayo tayo sa kasamaan. Kapag kinalulugdan ng PANGINOON ang ating pamumuhay, kahit na ang ating kaaway ay gagawin niyang ating kaibigan. Mas mabuti ang kaunting halaga na pinaghirapan, kaysa sa malaking kayamanang galing sa masamang paraan. Ang tao ang nagpaplano, ngunit nasa PANGINOON ang kaganapan nito.
Mga Kawikaan 16:1-9 Ang Biblia (TLAB)
Ang mga paghahanda ng puso ay ukol sa tao: nguni't ang sagot ng dila ay mula sa Panginoon. Ang lahat ng mga lakad ng tao ay malinis sa harap ng kaniyang sariling mga mata: nguni't tinitimbang ng Panginoon ang mga diwa. Iukol mo sa Panginoon ang iyong mga gawa, at ang iyong mga panukala ay matatatag. Ginawa ng Panginoon ang bawa't bagay na ukol sa kaniyang sariling wakas: Oo, pati ng masama na ukol sa kaarawan ng kasamaan. Bawa't palalo sa puso ay kasuklamsuklam sa Panginoon: bagaman maghawakan sa kamay ay walang pagsalang parurusahan. Sa pamamagitan ng kaawaan at katotohanan ay nalilinis ang kasamaan: at sa pamamagitan ng pagkatakot sa Panginoon ay humihiwalay ang mga tao sa kasamaan. Pagka ang mga lakad ng tao ay nakapagpapalugod sa Panginoon, kaniyang tinitiwasay sa kaniya pati ng kaniyang mga kaaway. Maigi ang kaunti na may katuwiran kay sa malalaking pakinabang na walang kaganapan. Ang puso ng tao ay kumakatha ng kaniyang lakad: nguni't ang Panginoon ang nagtutuwid ng kaniyang mga hakbang.
Mga Kawikaan 16:1-9 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ang mga balak ng isipan ay sa tao nagmumula, ngunit mula kay Yahweh ang sagot ng dila. Ang akala ng tao ay tama ang kanyang kilos, ngunit sa tunay niyang layon, si Yahweh ang nakatatalos. Ipagkatiwala mo kay Yahweh ang iyong mga gagawin, at magtatagumpay ka sa lahat ng iyong mga layunin. Lahat ng nilalang ni Yahweh ay mayroong kadahilanan, at ang masasama, kaparusahan ang kahihinatnan. Kinamumuhian ni Yahweh ang lahat ng mayayabang, at sila'y tiyak na paparusahan. Katapatan kay Yahweh, bunga ay kapatawaran, ang sa kanya'y gumagalang at sumusunod, malayo sa kasamaan. Kung ang buhay ng tao ay kalugud-lugod kay Yahweh, maging ang mga kalaban, sa kanya'y makikipagbati. Ang maliit na halaga buhat sa mabuting paraan ay higit na mabuti sa yamang buhat sa kasamaan. Ang tao ang nagbabalak, ngunit si Yahweh ang nagpapatupad.
Mga Kawikaan 16:1-9 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Ang mga paghahanda ng puso ay ukol sa tao: Nguni't ang sagot ng dila ay mula sa Panginoon. Ang lahat ng mga lakad ng tao ay malinis sa harap ng kaniyang sariling mga mata: Nguni't tinitimbang ng Panginoon ang mga diwa. Iukol mo sa Panginoon ang iyong mga gawa, At ang iyong mga panukala ay matatatag. Ginawa ng Panginoon ang bawa't bagay na ukol sa kaniyang sariling wakas: Oo, pati ng masama na ukol sa kaarawan ng kasamaan. Bawa't palalo sa puso ay kasuklamsuklam sa Panginoon: Bagaman maghawakan sa kamay ay walang pagsalang parurusahan. Sa pamamagitan ng kaawaan at katotohanan ay nalilinis ang kasamaan: At sa pamamagitan ng pagkatakot sa Panginoon ay humihiwalay ang mga tao sa kasamaan. Pagka ang mga lakad ng tao ay nakapagpapalugod sa Panginoon, Kaniyang tinitiwasay sa kaniya pati ng kaniyang mga kaaway. Maigi ang kaunti na may katuwiran Kay sa malalaking pakinabang na walang kaganapan. Ang puso ng tao ay kumakatha ng kaniyang lakad: Nguni't ang Panginoon ang nagtutuwid ng kaniyang mga hakbang.